Kabanata 30

0 0 0
                                    

Again

Nagpatuloy ang pagiging tulala ko habang walang humpay sa pagbuhos ang aking mga luha. Nanghihina ako. Natatakot ako. Nasasaktan ako. Halo-halo ang mga pakiramdam pero wala akong maisip na gawin sa mga oras na ito kung hindi ang iiyak ang lahat ng nararamdaman ko.

Ipinangako ko sa sarili ko na magkamatayan na pero sa huli ay ipaglalaban ko siya. Aalis lang ako sa oras na itaboy at palayuin na niya ako sa kaniya. Kapag hindi na niya ako mahal at hindi na siya masaya sa akin, iiwan ko siya. Handa akong makipagtarayan sa maraming babae, maipakita lamang na akin siya. Kaya kong suwayin ang mga magulang ko maging masaya lang kami sa isa't isa.

Pero ngayon, nakikita kong gumuguho ang mundo ko sa harap ko. Gusto kong gawin pa rin ang mga pangakong iyon pero sa takot at bagabag na nararamdaman ko ay mukhang imposible na. Kahit gaano ko palakasin ang sarili ko, niloloko ko lang talaga hindi lang sarili ko pati na ang mga tao sa paligid ko dahil ang totoo ay mahina ako. Mahina ako.

Akala ko, tuluyan na akong nakalabas sa kadiliman. Nang makilala ko si Derrick, nang mahalin ko siya at iparamdam niyang mahal niya rin ako, nakita ko ang liwanag. Naramdaman ko ang init nun. Nalasap ko ang sarap na handog nun. Namuhay ako ng masaya at pilit nilimot ang takot. Pero mapaglaro ang tadhana. Saglit lang pala ang liwanag at sa isang iglap ay mamamatay yun. Sa isang iglap ay lumamig at nawala ang nakakapasong init. Napakadaya. Sobrang daya. At ngayon, nandito ulit ako. Binalot muli ng kalungkutan, sakit, at takot dahil hinabol ako ng kadiliman. Sa sobrang saya ko sa liwanag, napatigil ako sa pagtakbo kung kaya't inabutan ako nito.

Should I break up with him? Or should I just leave without talking to him?

Bakit pa? Kahit ano namang gawin ko ay masasaktan ako at masasaktan ko rin siya. Anong silbi ng pag-iisip ng gagawin kung sa huli ay pag-alis pa rin ang patutunguhan at desisyon ko?

Damn. Hindi ko matanggap na ako ang makakapanakit. Hindi ko naisip na sasaktan ko siya. Sa isiping nasasaktan siya ay doble ang balik sakin. Anong karapatan ang meron ako para saktan ang taong walang ginawa kundi pasayahin at mahalin ako? Sa totoo lang, wala naman siyang napala sakin. Puro kalokohan at gulo pa nga ang ginagawa at pinapasok ko. Wala siyang napala.

Ako. Ako ang ikababagsak niya.

Napaka wala kong kwenta.

Sapo ang noo ay yumuko ako at humagulgol ng pag-iyak. Nawawasak ang puso ko. Sa unang pagkakataon ay naramdaman kong parang papel ang puso ko at pinipilas ito. Kaya lang, hindi nakuntento sa ilang piraso at mas pinilas pa ato hanggang mapulbos. Ang sakit ay nagpapahina lalo sa buong katawan ko.

"Caroline, my daughter."

Tumigil sa paggalaw ang aking balikat sa tinig niya. Nanlulumo akong tumunghay para makita siyang nakatayo sa harap ko, sa dulo ng higaan. Umupo siya sa kama pero hindi tinangkang lumapit pa.

"Dad." Nanginginig kong sabi. Ang pagtawag sa kaniya ang naging dahilan upang panibagong luha ang umagos sa aking pisngi. Para akong bata na nagsusumbong sa kaniyang tatay dahil may batang umaway at nang-api sa akin. Ang tingin ko ay nagsusumamo na may gawin siya para ipaghiganti ako sa mga nanakit at nagdulot sakin ng sakit.

Malumanay ang kaniyang tingin. Tumango-tango siya na parang naiintindihan niya ako kahit wala naman akong sinasabi sa kaniya. Mapang-unawa ang ipinakikita ng kaniyang mukha. May nakikita rin akong sakit sa kaniyang mga mata. Sakit para sa pinagdaraanan ng nag-iisa niyang anak na babae.

Humihikbi akong tumitig sa kaniya. "Dad, m-mahina ako. S-sorry. Binigo kita. B-binigo ko kayong lahat. Wala kasi akong nagawang tama. Karma ito, diba? K-kasi hindi ako naging mabuting anak sa inyo? Wala akong ginawa kung hindi ang sumuway. Kaya ngayon, ganito ako. H-hindi niyo ako mahawakan. Ang gusto ko lang ay mag-isa kasi bumabalik ang mga alaala. P-pero sa tuwing mag-isa ako, hinihiling kong may karamay. Sabihin mo sakin, baliw na ba ako? Hindi 'to normal. Walang magmamahal sakin kasi ganito ako diba?"

Surrender to YouWhere stories live. Discover now