DangerNakatulala lang ako sa opisina. Ilang araw na ang nakalipas at hindi na muli kaming nagkita ni Derrick. Hindi niya ako pinuntahan pero madalas siyang mag text. Oras oras ay may text siya. Wala akong ni-replyan kahit isa. Nagpakalunod ako sa trabaho. Opisina at condo lang ang pinupuntahan ko. Magka video call kami ng mga kaibigan ko kinabukasan pagkatapos mag bar. Walang may planong sabihin kung saan sila napadpad pero sigurado akong lalaki ang kasama nila.
Puro meeting ako sa mga sumunod na araw. Madalas pa akong malipasan ng gutom. Tanging pagod ang dahilan para makatulog ako. Madalas ay nasa gym ako pagkatapos ng trabaho para pagurin ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim at tumayo na. Tapos na ang aking trabaho. Nagpaalam ako kay Den na may tinatapos pa sa lamesa niya. Ngumiti siya at tumitig na madalas niyang ginagawa noong mga nakaaraang araw.
Pagsakay sa sasakyan ay tumulala pa ulit ako bago pinaharurot ang sasakyan. Tumigil ako sa mall. Pumasok ako ng ilang boutique para mamili. Marami akong pinasok pero sa huli ay dalawang paper bag lang ang dala ko. Pumasok ako sa isang Korean restaurant. Nag-ikot ang aking mata sa paligid. Sa katapat ng restau ay isang Italian restaurant kung saan ay may natanaw ako.
Derrick and Isha are sitting next to each other. May kaharap silang mga kaibigan at masayang nagkukwentuhan. Ngumiti ako nang mapait sa nakikita. Tumatawa siya kasama niya. Sumakit ang dibdib ko kaya umiwas ako nang tingin. Paglingon ko sa harap ay may kasama na ako.
"What are you doing here?" Nagtaas ako ng kilay.
Ngumisi siya. "Eating?" Maayos ang suot niya, corporate attire kagaya ko. Galing rin siyang trabaho. "I met a client just near the area. I was about to eat in an Italian restaurant but I saw a pair of beautiful eyes. So I decided to eat here instead." Lumingon siya sa tiningnan ko kanina at mas ngumisi.
Huminga ako ng malalim at hinayaan na siya. Few minutes after ay dumating ang aming pagkain. Siya ang nag grill ng beef at nilalagyan rin ang pinggan ko. Pabor sa akin ang ginagawa niya kaya hindi ako naangal. Dumako muli ang mata ko sa kabila at seryoso na ang usapan nila.
Is it possible that they're meeting a client?
Tss. Stop caring, Cary. Look at them, couple goals...
Bitterness crept in me so I looked away. Pagtingin sa harap ay nakatitig na sakin si Hank. Nagtaas ako ng kilay sa seryoso niyang ekspresyon. Tumagilid pa ang ulo na parang binabasa ang kung anumang iniisip ko.
"What?" Pagtataray ko.
He cleared his throat. "Wala. Napansin ko lang, mas gumanda ka pala."
I smirked. "Bakit? Gusto mo ring gumanda? Hindi ko alam na idol mo pala ang mukha ko."
Kumunot ang noo niya at ngumiwi. Sa huli ay tumawa siya. "Nah. You're just too beautiful. I never thought that I am liking the same woman. Tss."
"Same woman?"
Tumawa na naman siya. Nakakainis ang pagtawa niya. Hindi dahil masakit sa tenga, sadyang nang-aakit ang tawa niya. Isa pa, para siyang lumiliwanag pag nakangisi. Oh shit! Am I praising him?
"I have a best friend. Best of the best. Hindi kami magkaaway pero sadyang may mga bagay kaming pinagtatalunan. We're still friends despite of everything. Recently lang ulit kami nagkita dahil busy kami pareho sa trabaho. And you know what? I found out that the woman I like is his girl."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kumurap pa ako. Sa huli, umayos ako ng upo at umiwas ng tingin. "Why are you telling me this?"
Nagpatuloy ako sa pagkain at tinaasan nalang siya ng kilay. Pilit kong binalewala ang sinabi niya. I acted as if what he said isn't a big deal.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...