Moving forward
Malaki ang bahay namin dito. Hindi kasing laki nang mansion sa Pilipinas pero magiging komportable naman kami. May tatlong kasambahay at dalawang lalaki ang nag-aabang sa labas ng bahay. Si Kuya ang umalalay sa akin pagbaba. Ang mga katulong na ang sumalubong sa gamit. Si Mom at Dad ang dumiretso para kausapin sila at kami naman ni Kuya ay tinahak na ang daan patungo sa sariling kwarto.
Madilim na at maliwanag na maliwanag ang kwarto ko. May king sized bed, study table, walk-in closet, sofa, cabinet, at center table. Nasa kaliwang side ang sa tingin ko ay bathroom. Sa kama ako dumiretso at nahiga. Nakatitig lang si Kuya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay sa kaniya.
"You okay?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Honestly? I'm not. I'm not okay physically, mentally, and emotionally. Heck, if I'm suicidal, pinaglalamayan niyo na ako. Kahit ang tunog ng pinto ay nagbibigay ng takot sakin. Ang katahimikan ay kinatatakutan ko. Kapag maingay ay takot din ako. Saan ako kakalma? Saan ako lulugar?" Huminga ako ng malalim upang pigilan ang luha muling nangilid sa mata ko. "Para akong baliw. Ni hindi ko alam kung saan magsisimula. Umiyak. Yan lang siguro ang gagawin ko."
Tumango siya ngunit hindi nagsalita. He once opened his mouth but no words came out. It's as if he wants to say something but eventually stops because he realized that no words can make me feel fine. Like me, they're frustrated to help me too.
"Katabi lang ng room mo ang room ko. Kapag wala ako sa baba, katukin mo ako kung may kailangan ka, ha? I'll tell Mom and Dad to let you rest alone. I'm hoping for your fast recovery, Cary. You're strong and you will make through this. I believe in you, hmm?"
Tipid akong ngumiti. Napansin ko ang stress sa mukha niya. Sobra sobra ang pag-aalala niya kaya kakaiba ang pungay ng mata niya ngayon. Pagod na siya at alam kong hindi niya rin alam ang gagawin sa akin.
"Rest, Kuya. Look at you. You're ugly. Hindi ka na mamahalin ni Alexia niyan." Tumawa ako at gumaan ang loob nang mapangiti ko siya. Tumango lang siya at tumalikod na. May narinig pa akong boses sa likod ng pintuan at sa tingin ko ay kausap niya si Mom and Dad na huwag akong abalahin sa pagpapahinga.
Days went by at nakakulong lang ako sa kwarto ko. Lahat ng papasok sa kwarto ko ay dapat kumatok at hindi pwedeng buksan ng bigla bigla. Hindi ako handang makakita ng ibang tao kung kaya't hindi pa rin ako makapag therapy. Naiintindihan ng magulang ko at hinahayaan lamang ako. Masyadong mabilis ang mga araw at namalayan ko nalang na babalik na sila ng Pilipinas. Nginitian ko lang sila at tinanawan ang pag-alis sa aking bintana. Ang mata nila ay puno ng pag-aalala pero walang magawa kundi iwanan ako dahil sa responsibilidad na nag-aantay ng atensyon nila.
Enrolled na ako pero dinadalahan na lamang ako ng libro na dapat aralin. Alam nila ang kondisyon ko at sa kabila ng lahat, nagagawa ko namang intindihin at sabayan iyon. Wala akong sariling cellphone, hindi ko rin hiningi sa kanila dahil tingin ko, hindi pa ito ang panahon. May computer sa loob ng kwarto ko pero for research purposes lamang. Hindi ako nag access ng social media accounts.
Buwan pa ang lumipas at madalas ay tulala lang ako. Nakakulong ako sa kwarto ko at hinayaan ang sarili ko na maging maayos sa paraang ako lamang ang nakakaalam. Kung normal na estudyante lamang ako, hindi ko kakayaning magkulong sa kwarto na aabutin ng ilang buwan. Ang telepono ang nagsisilbi komunikasyon ko sa pamilya kong nasa Pilipinas. Nangungumusta sila sa akin araw-araw. Nagtatanong ng ginawa ko sa buong araw at anong nais kong gawin. Ramdam kong nalulungkot sila sa tuwing malalaman na hindi pa rin ako lumalabas ng apat na sulok ng kwarto kong ito. Sa tuwing binabayo ako ng isipin at takot, itinutuon ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Nakakabaliw ang katahimikan at nakakabaliw rin ang ingay sa loob ng isip ko.
YOU ARE READING
Surrender to You
LosoweCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...