Kabanata 22

0 0 0
                                    

First date

"Shhhh. Dadalhin kita sa magandang lugar at kasama ang mga bata na makakalaro mo."

Umiling ako at pilit na inalis ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko. Sa sobrang higpit nun, alam kong babakat iyon sa maliit na kamay ko. Ayoko! Ayokong sumama!

"Cary, saglit lang naman kayo. Sumama ka na sa Tito mo." Nakangiting sabi ni Mommy.

Tumango si Daddy at iniiwas ang mata sakin nang may tumawag sa kaniya. 

"Mommy, dito nalang po ako please. I'll play with Kuya. I will call Manang for help. Promise, I will not disturb you. Please Mommy. Please!" Mangiyak-ngiyak na ako sa pagmamakaawa sa kaniya. Ayokong umalis ng bahay. Ayokong makipaglaro sa ibang bata. I just want my Kuya.

"Honey, your Kuya is not here, right? May camp sila ng ilang araw at wala kang kasama ngayong araw dito. Malulungkot ka dahil aalis kami ng Daddy mo. Go and play with other kids. Ihahatid ka ng Tito Nestor mo dito mamaya. Just have fun, hmm?"

"Daddy! Daddy! Please! I'll stay at home. I don't want to play!" I shouted. Wala silang naiintindihan. Ayokong sumama sa kahit sino. Tito Nestor is scary. He always smiles at me but for me it's creepy. I don't know him that much. Paano nakakasiguro ang mga magulang ko na hindi niya ako ipapahamak? He's not even a relative. 

"Caroline!" Dad's voice was full of authority as he called me. "Go! It's just for today. Para rin sayo 'to. We're busy with work. Go, sweety."

I'm always a Daddy's girl. Kung may kinatatakutan man ako, si Dad yun. At si Dad rin ang pinakamalapit sa puso ko. Lahat ng gusto ko ay ginagawa niya. Ang naisin ko ay ibibigay niya. Yes, I was once a spoiled daughter to him. I love him so much. Kaya ganun nalang ang pagsunod ko kapag siya ang nagsalita. Para sa akin, batas ang salita niya at hindi na dapat baliin. I believe that he knows the best for me. So I go with Tito Nestor. I didn't know that it will be the reason why my once bright and happy life was suddenly stained by darkness.

Nagmulat ako ng mata kong puno na naman ng luha. Yun na naman. Paulit-ulit nalang.

Bumangon akong hawak ang ulo kong parang may martilyo sa loob at nagpupukpok. 

Inhale. Exhale.

Inhale. Exhale.

Calm down, Caroline. Everything is fine now.

Panaginip lang yun. Tapos na ang lahat ng iyon.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko pero nanatili ako sa pagpapakalma ng sarili. "Cary, gising ka na ba?"

I cleared my throat. "Opo, Manang."

"Mabuti naman. Ikaw bata ka, nag-inom ka na naman pala. Hindi ko namalayan ang pag-uwi mo. Nasa baba yung gwapong binata na kasama mo rin noong isang araw. Iyon ba ay boyprend mo ha? Aba'y puntahan mo na at kanina ka pa hinihintay."

Humiga ako ulit at pinalo ang ulo ko, umaasang mababawasan ang sakit ng ulo ko.

Cary, inom pa! May date ka ngayon!

Sandali, anong nangyari ba kagabi? Sa sakit ng ulo ko, hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. At wala man lang text o tawag ang dalawang bruha? Kasalanan nila 'to. Nilinaw ko kagabi noong pumunta sila dito na may date ako. Anong sasabihin ngayon sakin ni Derrick? Kanina pa siya nasa baba. Ang baho baho ko pa!

Pinilit ko ang sarili kong tumayo sa kama. Kaya ko 'to. Hindi ito ang pinakamalalang pag-iinom ko. Binuhay ko ang shower at tumingala para salubungin ang mainit na tubig. Nakatulong naman ang tubig para ma lessen ang sakit ng ulo ko.

Haysssss.

Napatigil ako sa pagkuskos ng katawan nang may pumasok sa utak ko. Ako, pinupunasan ni Derrick? Tumulala ako ng saglit hanggang sa parang isang malakas na baha ang umagos sa loob ng utak ko at naalala na ang nangyari kagabi. Kagabi nga ba? O kaninang madaling araw?

Surrender to YouWhere stories live. Discover now