Miss
Where is Derrick?
Suddenly, someone hold my shoulder. Iwinaksi ko yun agad at nakakunot na tiningnan ang pangahas na humawak sakin. There, isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Hindi ko kilala ang pangalan pero alam kong kaklase ko siya.
Pasalamat siya may iba akong iniisip kung hindi, parurusahan ko ang pangahas niyang kamay na humawak sakin.
Nagtaka pa ako dahil nanginginig ang kamay niya. Tiningnan ko yun ngunit agad niyang itinago sa likod nang mapansin ang atensyong ibinigay ko dun. Hindi mapakali ang paa niya at mukhang kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan. Sa halip na pagtuunan yun ng pansin, itinaas ko nalang ang kilay sa babaeng hindi makapokus ang mata sa akin.
"S-si President D-Derrick nasa isang room sa first floor ng Gee Building. P-puntahan mo... raw siya doon, Miss."
Tumagilid ang ulo ko sa binanggit niya. Nagtataka ako dahil bakit ako papupuntahin doon ni Derrick? The party is here, so why would we go there? If he wants us to be alone, we should've went home instead.
"Why is he there?"
Mas naging tensyunado pa siya. "H-hindi ko po alam, Miss! Please, pumunta nalang po kayo!" Tumalikod na siya at humalo sa kumpol ng mga tao hanggang sa hindi na nasundan ng paningin ko.
Something is suspicious here...
Sa gitna ng pagtataka ko, pumunta pa rin ako sa Gee Building. Itong building na ito ay mga laboratories lang ng school. Walang rason si Derrick na pumunta dito pero hindi naman ako mapapanatag nang hindi nalalaman kung nasaan ba talaga siya.
Malay ko pa kung niloloko ba ako nung babaeng yun.
Isang room sa first floor ang may kaunting ilaw sa loob kaya tinahak ko yun. Pagpasok palang, alam kong kalokohan ang lahat ng ito. Isang babaeng nakatalikod ang naroon at hinihintay ako.
Ngumisi ako sa inis. Unti-unting umuusbong ang iyamot na nabaon sa sulok ng dibdib ko. Hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi niya nung camp at inaasahan ko yun.
"I discovered something about you and I'll definitely use it to destroy you. Maghintay ka lang. Uubusin ko ang tapang mo."
"Ito na ba yun?" Malamig kong tanong.
Humarap siya. "Ito na nga yun, Ms. Standford."
Lumunok ako. Matapang ang mukhang ipinapakita ko pero ang kaba sa loob ko ay kumakalat sa buong kalamnan ko. Alam niya. Kung paano ay hindi ko alam.
"Akalain mo nga naman. Ang taong napakatapang na kagaya mo, Cary, ay dilim lang pala ang katatakutan? Hindi ka nakakahinga ng maayos diba?"
Mariin akong tumitig sa kaniya. Naglalakad na siya palapit dala ang flashlight sa kamay na tanging nagbibigay ng ilaw. Naalala ko ang cellphone ko pero nasa loob iyon ng sasakyan ni Derrick. Malayo ang hall dito at sinadya niyang dito gawin kung ano man ang plano niya.
"Hinahanap mo ba si Derrick? Wala siya dito eh. Hulaan mo kung sino ang kasama niya?" Ngumisi siya. "Baka pagkatapos ng gabing ito, ipagpalit ka na niya. Malay mo marealize niyang mas magaling palang humalik si Guen kaysa sayo. Mas okay si Guen kasi mabait siya at patay na patay si Guen sa kaniya. Walang magiging problema."
I gritted my teeth. "Nasaan si Derrick?!"
Nagkibit balikat siya at umikot hanggang mapunta siya sa likod ko. "Hindi ko alam. Gaya ng madalas mong sabihin, wala akong pake. Kailangan ni Guen si Derrick at kailangan kita, it's a good teamwork right?"
"Fuck you Amara! Rot in hell!"
Suddenly, a strong thing collided on my legs. Kahoy yun. I grunted and through my hands, I supported my body from falling. Hinila niya ang buhok ko mula sa likuran at muling pinatayo.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...