Kabanata 20

1 0 0
                                    

Those words

Naglalakbay ang mata ko sa medyo maruming parte ng siyudad. Maraming mga bata ang nagtatakbuhan. Ilan pa rito ay madudumi at walang suot na panyapak. Dahan-dahan akong naglalakad suot ang facemask nang sa ganoon ay walang makakilala sa mukha ko. Napapangiti nalang ako sa mga batang naglalaro ng lata, papel, at lupa. Naka pants at simpleng t-shirt lang ako.

Walang pasok dahil may conference na dinadaluhan ang lahat ng admin at professor. Tatlong araw yun kaya sa Lunes pa ang pasok namin. Miyerkules ngayon kaya mahaba-haba ang mga araw na wala akong gagawin. Naipasa ko na ang dapat ipasa at naghahanda nalang ang lahat sa darating na event sa halloween. Ang alam ko isang buong araw yun. Sa umaga ay may mga horror booths at ilang pakulo na naglalaman ng mga nakakatakot. Sa gabi ay costume party. Hindi ko pa alam kung dadalo ako.

May batang nadapa sa harap ko. Sa una, tumingin pa siya sakin pero ilang segundo ang makalipas ay humihikbi na siya. Lumingon ako sa paligid at wala man lang lumingon sa batang umiiyak. Napailing ako.

Bakit ako nandito? Madalas ko itong gawin sa tuwing  wala akong ginagawa sa bahay. When I'm bored, I want to observe children and life of people with this kind of life. Lumaki akong naghahanap ng kalinga ng magulang kung kaya't gusto kong makita kung paanong ang mahihirap na gaya nila ay nagagawang ngumiti kahit marami silang problema sa pera. Paanong masaya sila kahit mababa ang tingin sa kanila ng mayayaman? Anong meron sila at masaya pa rin sila? Sa ilang taon kong ginagawa ito, naging parte na ito ng buhay ko. That's why I want to be with them. I want to live the way they live. Gusto kong maranasang ngumiti ng gaya nila.

Lumuhod ako sa harap ng batang lalaki. Madungis ang mukha gayon din ang damit niya. "Shhhh okay lang yan. Halika, tutulungan kita." Ngumiti ako sa likod ng facemask na suot ko.

Humihikbi niyang inabot ang kamay niya sa akin. Pinagpagan ko ang tuhod niya at kumuha ng wipes sa bag ko para malinis ang sugat niya na hindi naman ganun kalaki. I think he's around 8 or 9 years old. Inalis ko ang mask ko para makita niya ang mukha ko. Baka isipin niya masama akong tao dahil sa mask na ito.

"Okay ka na? Hindi na ba masakit?" Tanong ko.

Tumango siya ng mabilis at ngumiti. He's cute with his chubby cheeks. "Opo! Salamat po Ate! Ang bait bait mo po!"

Pinisil ko ang pisngi niya. "Ikaw talaga. Sa susunod mag-iingat ka na ha. At huwag ka nang iiyak kasi malaki ka na. Dapat kaya mong patahanin ang sarili mo kasi hindi sa lahat ng pagkakataon ay may tutulong sayo. Okay ba yun?"

"Opo Ate! Maraming Salamat po!" Naglakad siya palayo pero pinigilan ko. Kumuha ako ng limang libo sa pitaka ko ay inabot yun sa kaniya. 

"Itago mo yan sa kamay mo. Huwag mong hayaang may ibang makakita. Pagdating mo sa bahay niyo, ibigay mo ito sa Mama mo."

Ngumuso siya. "Ano pong sasabihin ko pag tinanong niya kung saan ko nakuha?"

I bit my lower lip, don't know the answer to his question.

"Alam ko na! Sasabihin ko nalang na galing sa Ateng maganda at mabait. Siguro angel ka po no?" Ngumiti siya ng malawak. Kumikislap ang mata niya na parang hindi siya nanggaling sa pag-iyak.

I blinked. Maganda ako, oo. Mabait? Nah. Angel? Siguro mukhang anghel pero malayo ako doon.

"What's your name?" Tanong ko nalang dahil hindi ko gustong putulin ang ngiting ibinibigay niya dahil lang hindi ako sang-ayon sa impression niya.

"Ay english... Uhm, my name is Denver. Nakatira po ako doon sa dulong kanto, red na gate. May Ate ako pero wala siya kasi may pasok po siya. Si Mama naman naglalaba sa bahay. Gusto mo pong ipakilala kita?"

Surrender to YouWhere stories live. Discover now