Kabanata 3

0 0 0
                                    

Partner

Nagmulat ako ng mata ngunit agad ring napapikit dahil umikot ang paningin ko. Sa muli kong pagmulat, nagawa kong ilibot ang mata ko. Saglit na nawala sa isipan kung nasaan ako. I'm still at school, specifically, at the Council's Office. Walang tao sa paligid, ako lamang. Bumangon ako at nakitang 5 o'clock na ng hapon. I grab my things and go out. Kakaunti na ang tao sa paligid, kulang estudyante na lamang na may kailangan pang gawin sa ibang subject.

Inilibot ko ang mata ko sa pag-asang makita si Derrick Knight pero hindi ko na siya makita. Umuwi na siguro kaya dumiretso ako sa parking lot para makauwi na rin. Balak ko sana siyang tanungin kung bakit hindi niya ako ginising. Paano kung gabi ako nagising? Edi napagsarhan na ako ng school? Aish! He's stupid!

Sumakay ako sa kotse. Tangkang paaandarin ko na ito nang may nahagip ang mata ko. Sa malayong parte sa kaliwa ko ay may dalawang taong nag-uusap. Nakatalikod ang babae pero nakaharap ang lalaki. Sino pa nga ba? Edi si suplado!

Nag-iigting ang panga niya. Maaaring nagsasalita ang babae at hindi niya nagugustuhan ang sinasabi nito kaya ganun ang reaksyon niya. Bago pa ako kainin ng curiosity ko, pinaandar ko na ang kotse paalis.

Maybe she's his girlfriend?

Anyway, the hell I care? Kahit sino pa ang jowain niya, wala akong pakielam dun. Sino ba siya sakin?

Tumunog ang phone ko sa isang text.

Lucy:
Babe, bar?

I smirked. I got enough of sleep already, maybe I can have my happy time?

Ako:
G!

Kumain ako pagdating. I remember that I haven't eaten anything. Gutom na gutom ako at nakailang sandok ako ng kanin. I don't worry for my body because I have a fast metabolism. Besides, I go to the gym every weekend. Di naman ako kagaya ni Lucy and Jazzi na may kontrol ang pagkain dahil model. Iniisip ko palang na pipigilan ko ang sarili kong kumain ng masasarap, nanlulumo na ako.

"Manang, si Mom and Dad?"

Nagulat siya sa tanong ko. Hindi kasi ako nagtatanong kung nasaang dako sila. "Wala pa hija."

I nodded. "Good, pupunta ako ng bar."

"Aba! Bata ka! Ano namang gagawin mo doon?"

"Manang, ano bang ginagawa doon? Party, getting drunk, and be free." Pagkatapos sumagot, umakyat na ako sa hagdan.

"Aba! Mag-iingat ka! Maraming bastos na kabataan ngayon!"

Oh yeah! I can handle myself very well.

Ilang oras pa at nakita ko na ang sarili ko sa couch kasama ang mga kaibigan.
"Wow! So beautiful!" Jazzi exclaimed.

I'm wearing a tight red dress. Backless yun pero hindi ganun kalaki. I partner it with a red heels and a red sling bag. I put dark make up that will highlight my features. Brown dress ang suot ni Lucy and black off shoulder dress naman kay Jazzi. Maraming lalaki ang nagtitinginan sa puwesto namin ngunit hindi nalapit dahil sinasamaan ko sila ng tingin.

I laughed. "You too babe!"

May mga kakilala sila na bumabati sa kanila pero walang balak tumayo ang dalawa. They want to stay here. "Come on, tell us stories about your new school."

I scoffed. "Ugly!"

Lucy laughed. "Really, eh? Ang ganda kaya ng school na yun."

"Edi dun ka pumasok! Maganda pala eh!" Pasaring kong sagot.
Ilang bote ang nasa lamesa namin pero mga light alcohol lang. Umiinom ako pero paunti-unti lang habang ginagawa namang tubig ni Jazzi. Hindi ko alam kung anong problema niya pero hinayaan nalang namin. Besides, magsasalita iyan pag lasing na.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now