Kabanata 46

1 0 0
                                    


Don't blame

Nagmulat ako ng mata at papadilim na. Pagtingin ko sa oras ay alas sais na. Mukhang dito na pala ako tutulog. Napahaba ang tulog ko. Isa pa, ayokong bumiyahe ng gabi. Magaan na ang pakiramdam ko. Nakatulong naman ang mahimbing kong pagtulog.

Naligo ako dahil pakiramdam ko ay ang lagkit ko na. Isang simpleng fitted white shirt ang suot ko at pants. Pagbaba ko ay tahimik na. Bumuntong hininga ako sa isiping umuwi na silang lahat. Lumabas pa rin ako at tinanaw ang sinisimulang hotel. Wala nang nagtatrabaho. Pumasok ako at kumain ng tinapay na nasa lamesa.

Maya-maya ay bumukas ang pinto. Napalundag pa ako sa pagkabigla. It's Engineer Green.

"Oh! Gising ka na pala, Cary. How are you feeling?"

I smiled. "I'm fine. Akala ko nakauwi na kayo?"

"Uhm may kaunti kasing problema kaya hindi kami nakaalis. Don't worry, inaayos naman namin lahat."

Tensyonado siya. Pawis na pawis rin si Engineer at pansin kong para siyang hinihingal. Saan siya galing? At ano ang problema?

"Nasaan sila?" I asked.

"Ayun. Naghahanap," tumaas ang kilay ko. "Naghahanap ng sagot sa problema." Hilaw siyang tumawa.

Tumango ako. "Marami pang pagkain dito. Sabay-sabay na tayong kumain. Tutulak na rin ba kayo pa-Manila ngayong gabi?"

"S-Siguro, Cary. Uhm hindi ko alam. Bahala na. Depende."

Depende sa?

Ibinaba ko ang tingin sa lamesa. May itinatago siya. Kung ano yun ay yun ang aalamin ko.

"Nga pala, akyat muna ako sa kwarto." Tumango ako sa kaniya. Baka magkakasama sila nina Derrick sa kabilang kwarto. Kanina pa kasi sila dito.

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Tumayo ako at inalis ang tsinelas. Naglakad ako ng yapak. Dahan dahan ay pinuntahan ko ang kwartong pinasukan ni Engineer. Good thing, hindi niya naisara ng ayos ang pinto kaya kahit hindi ako lumapit ng todo roon at malinaw kong naririnig ang bulong niya. Paanong hindi? Tahimik ang paligid at siya lang ang nagsasalita.

"Oo, babantayan ko. Kumusta? Nakita niyo ba?... Pucha, saan mo huling nakita?... Sa gubat? Pumunta sa gubat?... Paano natin hahanapin si Isha niyan, Hunter? Bakit kasi nag-away kayo?... Delikado sa kaniya ang paligid. At gabi na."

Lumunok ako sa narinig. Kaya tensyonado siya ay dahil nawawala si Isha. Gaano katagal na? Sa hingal ni Engineer Green, parang bago palang. Hindi pa nagtatagal.

Mabilis ngunit maingat akong bumaba nang hagdan. Nagdiretso ako palabas ng bahay. Isinuot ko ang tsinelas nang makalabas. Naglakad ako sa dilim at pinuntahan ang gubat. Hindi ako dito lumaki pero sa tuwing narito ako ay playground ko ang gubat. Rebelde ako at kahit ilang beses sinabing huwag pupunta dito dahil delikado ay pumupunta pa rin ako. Maraming mabangis na hayop ang narito.

Kung ano man ang naging dahilan ng away nila ay wala akong pakialam. Hahanapin ko siya para kay Derrick. Hindi dahil sa sarili ko o dahil sa kaniya. Para kay Derrick lang.

Madilim na gubat ang tumambad sakin. Nasa bulsa ko ang cellphone ko. Mabuti nalang at dala ko iyon sa katawan. Ngunit hindi ako nagbukas ng phone. Ang ilaw nun ay makakatawag pansin lamang. Hindi ko sigurado kung si Isha lang ang nasa loob ng gubat. Paano kung may iba pa bukod saming dalawa?

Ilang minuto pa ay napasok ko na ang pinakaloob ng gubat. Alerto ang buong isip at katawan ko lalo na sa mga kaluskos. Nagtago ako sa isang puno nang makakita ng anino. Nanliit ang mata ko sa anino.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now