Cooperating
He stared at me with slit eyes. I know what he is thinking and I will let him think whatever he wants. "What have done? Did you really present?"
I smirked. "Tagal mo eh."
Kinamot niya ang kanang kilay niya at hindi ko alam kung bakit ang gwapo niya sa ganung kilos. Fuck! What am I thinking? Nababaliw na ako!
"Then what? Anong sinabi mo?"
Tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko at isinabit na sa balikat. "Bakit ko sasabihin sayo? Maraming tao dyan na pwede mong pagtanungan. Kung ayaw mo, hintayin mo na lang ang grade mo Mr. Perfect." Matapos nun, lumabas na ako.
May klase pa pero inaantok ako. Gusto kong umuwi at matulog. Sa pagpapatuloy ko ng paglakad, napansin kong sinusundan ako ni Derrick. Nakakunot lang ang noo niya at tila binabasa ang nasa isip ko. Sorry siya, hindi niya mababasa. Sa sobrang dami ng nasa utak ko, kahit linya wala siyang makikita.
"I want to know, ano ang sinabi mo?" Tanong pa niya.
"Wala."
"Gusto kong malaman."
Napakakulit! I tsked. "I said, talk to the teacher. Wala akong sasabihin sayo. Isipin mo nalang kung anong gusto mong isipin."
Magsasalita pa siya ngunit may tumawag na sa kaniya. "President!"
I raised an eyebrow with the sight of his oh-so-good secretary. She's smiling while walking to us. Correction, walking to the guy behind me.
"Yes, Guen?"
"May ipapa check sa-"
"Let's talk tomorrow, may aasikasuhin lang ako."
Dumiretso ako ng lakad at hindi na sila nilingon. I should mind my business and they should mind theirs. Hindi ako ang taong mahilig makisawsaw sa usapan ng iba. Ibang usapan lang kapag involve ako o ang mahahalagang tao sa buhay ko.
"Caroline!"
Hindi ko siya pinansin at binilisan ang lakad. Unfortunately, naabutan niya ako. Haba naman kasi ng legs. "What?"
"Tell me, what did you say?"
Tumingin ako sa taas at waring nag-iisip kahit hindi. Ngumisi ako. "I said my observation."
He raised an eyebrow this time. "And what is that?"
"Caroline!" Someone shouted my name. I actually hated it when someone I don't know call me that way but since I know that voice very well, I smiled and find the person.
There. I found my Kuya Martin waving at me. I immediately look at Derrick. "May sundo na ako, bye!"
Tumakbo ako palapit kay Kuya at yumakap. Sobrang na miss ko siya! Buti nalang binisita niya ako. Kung hindi niya ginawa ito, plano kong ako na ang bibisita sa condo niya kahit ayaw niya.
"I miss my babygirl!"
I punched him on his arm. "Miss? Eh bakit ngayon ka lang? Kung miss mo ako, dapat noon mo pa ako pinuntahan."
He smiled guiltily. "Sorry, busy lang si Kuya. Don't worry, babawi ako sayo ngayon. May class ka pa ba?" Tumingin siya sa likuran kaya lumingon ako. Naroon pa rin si Derrick, nakatingin samin at nakakunot ang noo. Problema niya? "Who's that guy? He's familiar."
I frowned and tsked. "Don't mind him. Anyway, wala na akong class kaya tara na!" Kahit meron pa, wala akong pakielam. Sasama ako kay Kuya!
"Alright. Let's go!"
Tinahak namin ang daan palabas ng eskwelahan. Nilampasan namin si Derrick na sinusundan ng tingin ang kotse kahit na lumampas kami sa kaniya. Nakakunot pa rin ang noo niya at tila nagtataka at naguguluhan.
YOU ARE READING
Surrender to You
CasualeCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...