Kabanata 5

0 0 0
                                    

Observe and Present

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Sa saglit na minutong iyon, nakita ko ang mahinang ako. Nakita kong natakot ako. Naramdaman ko ang pagbabago ng personalidad ko. Hindi ko lang matanggap na nakita ako ni Derrick ng ganun. Sa lahat ng tao na makakakita, bakit siya pa?

Naghilamos ako. Umaasang mawawala ang takot ko sa isang salitang iyon. Kailanman, hindi ako pumasok ng sinehan. Bata pa ako nung huli iyong mangyari. Matapos ang hindi magandang pangyayari sa buhay ko, hindi na ako pumunta sa dilim. Kahit sa gabi, hindi ako nagpapatay ng ilaw. Kung sakaling mawalan ng ilaw sa mansion, mayroong generator. Sinigurado ko na hindi na muli akong mapupunta sa dilim.

Nang kumalma, lumabas ako ng banyo, hindi na ako nagulat na nag-aantay si Derrick sa labas.

I raised an eyebrow. "Let's go." Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ako ang naunang maglakad. Ilang saglit pa, lumingon ako sa kaniya. "Seriously, saan tayo pupunta? At huwag mo nang babanggitin ang lugar na tinukoy mo kanina kung ayaw mong magkagulo."

"Tara sa arcade." Hindi na ako umangal at sumunod na lang. Maya't maya siyang lumilingon sakin. Tinataasan ko lang siya nang kilay sa tuwing magtatama ang mata namin. I'm actually starting feeling awkward with him. I think I'm just pretending now to be strong in front of him because of what happened earlier. Bakit ba kasi ang OA ko? Dapat pinigilan ko ang takot na yun. I bet he has some idea now. I know he's smart. He's just not asking but I know he already had a conclusion.

The heck!

Pagpasok, may karamihan din ng tao pero hindi naman gaya ng dami na super sikip. Tamang dami lang. Nanatili ako sa gilid at hindi siya sinundan kahit na dumiretso siya. Napansin niyang nawala ako kaya lumingon-lingon siya. Di ko mapigilang di matawa sa reaksyon niya. Mas lalo pa akong gumilid para hindi niya ako makita. Nakakunot na ang noo niya habang pinapasadahan ng tingin ang paligid. Sa huli, nagpunta sa sa isang gilid at nagmasid. Nagsisimula na siyang gawin ang dapat gawin.

Nag vibrate ang phone ko kaya nilabas ko yun.

Unknown:
Lumapit ka sakin. Stop hiding, I already found you.

What the? Where did he get my number?

Lumabas ang imahe ni Jazzi at Lucy sa isipan ko at parang gusto ko na talaga silang tirisin. Bakit hindi ang number nila ang ipamigay nila? Talagang pati number ko ay pinakielaman. They are doomed, I swear!

I don't have a choice but to walk to him. He's seriously looking at me while I'm glaring at him. Unexpectedly, I was suddenly on the floor. May tumulak sakin at nakakahiya na nakahilata ako sa sahig. The nerve of them to push me! Inayos ko ang sarili ko ang tumayo ng maayos.

"Oh my gosh! I'm sorry!"

I scoffed. "Sorry? Sa tingin mo maibabalik ng sorry mo ang oras at hindi na ako masasaktan? Stupid!"

Hindi naman siya kagandahan. Punung-puno ng kolorete ang mukha niya. Mukha iyong pinaglaruan ng bata at nagagawa niya pang pumunta ng mall para ipangalandakan ang mukha niya? She have the guts huh!

"Stupid? I already said sorry yet you're making it a big deal!"
I crossed my arms. "I don't accept sorry." Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot siya ng yellow tube and skinny jeans. Di naman bagay dahil wala siyang dede. Tiningnan ko rin ang tatlong kaibigan niya na nasa likuran niya at pinasadahan rin tingin. Kung titingnan ang mga damit, hindi sila mayayaman. They are dressing like that but still look cheap in my eyes.

"Can you see your reaction right now? You're saying sorry to me but seems like I'm the one who made a mistake here. Hindi ba't ako lang ang dapat magalit dito dahil ako yung nasaktan? I can't believe that ugly people like you can be full of pride."

Surrender to YouWhere stories live. Discover now