Kabanata 38

1 0 0
                                    

Care

Nagdaan ang gabing iyon na nagpaikot-ikot lang ako sa higaan ko. Iniisip ko kung anong iniisip sakin ni Derrick dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Sana hindi niya sakin isumbat yun pag nagkita kami. Nakakahiya. Kaya naman iniayos ko nalang ang gamit ko dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok. Madaling araw na nang antukin ako kaya naman parang pumikit lamang ako at dumilat rin ng ilang minuto dahil tumunog na agad ang alarm ko. Kahit antok na antok pa ay bumangon ako para mag-ayos ng sarili.

Thirty minutes before six o' clock ay nakaayos na ako. I'm wearing a sweater with a black tube top inside so I can remove it when it's hot, and a white shorts. I paired it with a white sneakers. Naka cap rin ako. Bumaba ako at tahimik ang unit namin. Walang bakas ni Denfie kaya baka tulog pa siya. Late din siguro siya natulog kaya naisip kong hindi na ako kakatok para magpaalam. Magtetext nalang ako. Nagtimpla ako ng tea at uminom habang hinihintay ang text ni Engineer kung nasa baba na siya.

Nag open ako ng IG at pinicturan ang tsaa ko. May nakalagay yung 'Good Morning'. Nag scroll ako at nakitang may post si Lionel kasama ang dalawa naming kaibigan, Jazlyn and Lucilla. It was posted yesterday. They are in a party, I don't know whose party is that. Hindi na ako naka follow sa dalawa kaya hindi ko alam ang mga ginagawa nila.

Engineer Hunter:
Here outside your building. Good morning.

Tumayo na ako at lumabas ng unit. Habang naglalakad ay nag reply ako.

Ako:
Be there in five. Good morning, Engineer!

Pagkababa ay agad kong nakita ang umilaw na sasakyan sa kanan ko. It's a grey BMW sports car. Kinagat ko ang labi ko bago pa ako ngumanga sa ganda ng sasakyan niya. Alright, why do I always forget that he's rich? His family is rich and he's also making a name in his field. Huminga ako ng malalim at confident na naglakad patungo sa sasakyan niya. 

Pumasok ako at nag-kabit ng seatbelt. Sinulyupan ko siya na gwapong gwapo sa white button-down shirt, black jeans, and brown leather boots. His hair is in a brush-up but few strands are falling on his forehead. Seryoso lamang siya at kita kong pinasadahan niya ako ng tingin. Umiwas ako sa mata niya. Kaswal lang ang suot ko at hindi mukhang business ang ipupunta kong Zambales. Bakit? Titingnan lang naman namin ang site kaya bakit pa ako mag de-dress?

"Have you eaten?" He asked as he started the engine.

Sa harap lang ako nakatingin at hindi inalis doon ang mata kahit nung sinagot ko siya. "I have. Thank you." Hindi naman talaga ako kumain pero sapat na ang tsaa sakin kapag umaga. Kumakain lang ako minsan sa umaga dahil kahit dinadalhan ako ng lunch sa office ko ay hindi ko yun nakakain.

"I haven't. Daan tayo ng drive thru." Hindi ako sumagot. Mukhang di niya rin naman kailangan ng sagot.

Masyadong tahimik sa sasakyan. Tumingin ako sa kaniya at tamad lang siyang nakahawak sa manibela. Miminsan ay ipinapatong niya ang kaliwang kamay sa may bintana at hahawakan ang kaniyang labi. Shit. Alam ba niyang sobrang gwapo niya pag ginagawa yun? Ginagawa niya ba yan kapag katabi niya dito si Isha? Kaya ba parang patay na patay sa kaniya yun?

Umirap ako at tumingin sa bintana. Tumigil nga kami sa drive thru. Wala lang akong imik hanggang sa makabili na siya. Napansin kong may kape siya ng Starbucks sa cup holder niya. Bumili siya ng chicken with rice, spaghetti, burger, fries, and sundae. Nagulat pa ako nang iabot niya ang fries at sundae sakin.

"Here. Take it." I was about to open my mouth but he spoke again. "No buts. I'm giving this to you because it's a long drive."

I bit my lower lip. "Okay. Thank you, Engineer."

Nagtagal ang mariin niyang tingin sakin at umiwas rin naman. Tila may balak siyang sabihin na hindi na niya itinuloy pa. Umayos ako ng upo at kinain nga ang sundae dahil baka matunaw na yun. Isinawsaw ko ang fries sa sundae at in-enjoy nalang ang pagkain. 

Surrender to YouWhere stories live. Discover now