She's back
"Congratulations Cary!"
"Congratulations!"
Malawak akong ngumiti sa aking pamilya. Lumapit ako sa kanila isa isa at niyakap sila. Hindi ko mapigilang maluha dahil hindi ko talaga naisip na makakarating ako dito. Sa wakas, nakatapos na ako. Worth it ang lahat. Pinagpapasalamat ko sa Panginoon na sa kabila ng lahat ng sakit at dalamhati na naranasan ko, ng buong pamilya, nakarating rin ako sa inaasam kong tagumpay. Pero hindi ito ang huli, simula palang ito ng bagong laban.
"Thank you!"
Naglakad na kami papalabas. Inilibot ko ang mata ko upang hanapin ang dalawang naging magandang parte ng buhay ko dito. Hindi ako nabigo dahil kumakaway na sila malayo palang. Nang makalapit ay nahihiya silang tumingin sa mga magulang at kapatid ko.
"Woah, who's that handsome man?" Bulong ni Jolly.
I smirked. "Jolly and Mizzy, these are my parents. This handsome man here is my brother, Doctor Standford."
Tuwang-tuwa ang dalawa na nakipagkamay kay Mom at Dad. Mukha naman silang nahihiya nang si Kuya na ang tingnan. I admit, mas gumwapo ang kapatid ko. Mas lumaki ang balikat at katawan niya. Mukhang fresh na fresh at napakaganda ng tindig. Tss. Ayoko mang purihin siya dahil lalaki ang ulo niya lalo pero talagang kakaiba ang ipinagbago niya. Napakagwapong doktor.
"Nice to meet you two. Our dear Cary tells us story about you three. Thank you for being patient with this hard-headed woman."
Ngumiwi ako sa sinambit ni Dad. Inirapan ko lang siya at humarap nalang kay Kuya. "Musta, doc? Gwapo ah."
He shrugged. "It's in the blood. Anyway, when are you coming back? The company is waiting for you." Ngumisi siya at hinalikan ako sa noo.
"Tss. Parang ayoko nang bumalik. Nakakatakot naman ang pag-aantay niyo. I feel like I'm some kind of celebrity."
"You are, Sis! Besides, everybody knows that the youngest Standford will be the CEO in just a few days. You're kind of mysterious to them so everybody's excited."
Huminga ako ng malalim. Nilingon ko ang mga kaibigan na kasalukuyang kausap pa rin ng aking magulang. Muli kong hinarap si Kuya. "Hindi ba ay masyadong maaga pa para ako ang humawak, Kuya? Kakagraduate ko lang. Kulang pa ako sa experience at hindi ko pa napag-aaralan ang takbo ng kompanya. Baka magkamali ako. Isa pa, I will build my own company. I will be needing an Engineer. I will be busy."
"Hindi naman aalis sa board si Mom. Sasamahan at tuturuan ka niya. Sa tingin lang niya, mas makabubuti kung ikaw na ang CEO. Isa pa, may mga kilala akong Engineer. Pwede rin kitang tulungan sa pagdedesisyon mo sa pagtatayo ng company mo. Are you sure that you will get Denfie as your secretary?"
I sighed. "Alright. Ang bata ko namang CEO nito. Anyway, yes, Denfie will be my secretary. I want her."
"It's up to you. I'll support you."
Sabay-sabay na kaming umalis ng school matapos naming mag-usap nina Mizzy at Jolly. Sinulit ko na rin ang oras na yun para magpaalam. Baka yun na ang huling pagkikita namin dahil maaaring one of these days ay lilipad na kami patungong Pilipinas. Kasabay ko na ang buong pamilya.
Sa bahay kami kumain dahil nagpaluto sila dito. Parang piesta sa bahay sa dami ng pagkain. Kasalo namin lahat ng kasambahay sa pagkain at napuno ng tawanan ang buong hapag. Lumingon ako sa katabi kong si Den at titig na titig siya kay Kuya na nasa harap ko.
I smirked. "Kuya, are you... single?"
He raised an eyebrow. Masama ang tinging ipinukol niya sakin. "I'm in a relationship with work."
YOU ARE READING
Surrender to You
AcakCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...