Party
"I suggest let's have an announcement to our group and page. Let's say that we are giving them the chance to tell their scary stories. May magbabasa noon kung saan naka broadcast sa buong school. Wala namang klase ng araw na yun kaya habang busy yung iba o kaya naggagala lang sa campus, may napapakinggan sila."
Tumango ang lahat sa sinabi ni Derrick. May kaniya kaniya silang papel at pen at nagsusulat.
"President, additional lang yan diba? But our main activity is the horror booth?" Tanong ng isang cute na babae, siya si Honey, naalala niyo? Yung babaeng humarang sakin at matapang rin? Well, friends na kami ngayon. I love her guts. Mas totoo siya kaysa kay Guen na madalas magpakitang tao at plastic na tao.
"Yes. After this meeting, let's start to do all assigned tasks. Akong bahala sa mga usapin sa principal. Logistics, makikiayos agad ang mga equipment na kakailanganin. Approved na lahat ng ipinasa nating requests kaya kukunin nalang yun sa storage."
Here's a catch, their horror booth isn't simple. Isang covered court ang gagamitin nila sa horror booth at hindi simpleng room. Wow! Bongga ang Student Council huh! Ganito pala ang feeling nang maging isang organizer. Halos dalawang oras na kaming nandito para sa brainstorming and finalization pero sa tingin ko wala pa kami sa kalahati ng pinag-uusapan. Parang nagsisisi na ako sa pagsama kay Derrick. Inaantok na ako.
Tahimik si Cole at Sai na kanina lang ay nag-aasaran ng mga nakakatakot. Seryoso ang dalawa at mukha talaga silang matinong estudyante ngayon. May ilan pang representatives na kasama sa meeting na tingin nang tingin sakin pero nag-iiwas agad sa tuwing nahuhuli ko ang mata o kaya'y pinagtataasan ko ng kilay. Hindi naman nila ibinoses ang mga tanong nila. Si Guen naman ay kahit mukhang confident ngayon sa tabi ni Derrick, nasa kaliwa siya at kanan ako, pero mas maingat na siyang gumalaw ngayon. Si Honey, walang pake. Normal lang siyang gumagalaw at ngumingiti sakin paminsan-minsan. Lastly, Derrick is on his serious mode. Hindi siya ngumingiti o ngumingisi at masasabi kong mas attractive siya pag ganito siya. Nang magsimula ang meeting, naging formal siya agad makipag-usap sakin. Naintindihan ko yun kaya pormal na rin akong sumasagot sa tanong niya kung meron man.
Meron nga ba? Saling pusa lang naman talaga ako dito. Ako ang bodyguard niya, actually.
"That's all! I expect everyone to do their assigned task. Sa isang araw na ito kaya hindi tayo pwedeng magbagal. Every student is expecting a successful event from the Council, alam niyo yan. Huwag niyong kakalimutang magbigay ng updates. Walang maglilihim. Kung may problem na mahirap i-solve ng agad agad, inform me. Get it, officers?" Pinal na salita ni Derrick.
Ngumisi ako. Proud sa boyfriend ko.
"Yes, Pres.!" Sabi nila at nagtayuan na.
Sa sumunod na oras, nasa covered court na kami at tinitingnan ang progress ng booth. Halos kumpleto na lahat at ilang props nalang ang ilalagay sa loob. Pinasok namin ni Derrick yun mula sa makakapal na itim na kurtinang nakapalibot dito. Sobrang dilim. Naalala ko pang isa ako sa naglagay ng props at malalagkit na red liquid sa paligid. Usap-usapan na sa buong eskwelahan ang booth na gusto nang pasukin ng marami pero sa mismong event na ito talaga bubuksan at para sa organizers muna sa ngayon.
"Aren't you afraid, baby?" Bulong bigla nang mokong.
"I'm not." Mariin kong sagot.
Really Cary? Alam kong hindi siya naniniwala. Sino ba namang maniniwala kung ganun nalang kahigpit ang hawak ko sa braso niya na tipong babaon ang kuko ko doon?
"Sige, huwag kang maiihi dyan, ha." Asar pa niya.
Umismid ako at hindi na siya pinansin. Naglakad kami papasok pa hanggang matagpuan ang mga tao sa loob na abala sa iba pang dapat tapusin dito sa booth. Masyado ring mainit dito at ramdam ko rin ang tagaktak ng pawis ko gayundin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...