Hank
"Anim na taon sa high school. Napakaraming nangyari. Ilan sa atin hindi pa rin matanggap na ang ikalawang tahanan natin ay tuluyan na nating iiwan. But this isn't the end. This is just a start of a new beginning. Nagsama-sama tayo sa saya, lungkot, galit, tampo, kalokohan, at dalamhati. Maraming pinto ang nakabukas at naghihintay sa ating pagpasok. I hope, you are all proud of yourselves. I believe in me. I believe in you. I believe in all of us. Hindi ito ang katapusan. Inaasahan ko ang muling pagdadaupang palad natin. I'm really grateful to be one of you, to be your valedictorian and your class Supreme Student Council President. Congratulations Graduates!"
Isa ako sa pumalakpak sa pagtatapos ng speech niya. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko patunay nang nararamdaman kong pagkamangha sa kaniya.
"I love you, Derrick!" Sigaw ko kaya nagtawanan ang buong batch namin.
Bago siya umalis sa podium, kumindat pa siya kaya naghiyawan ang lahat. May ilang kinikilig rin sa kaniya pero hindi ko na lamang pinansin. Pagbibigyan ko sila dahil graduation naman.
Indeed, this is just a start. My high school life has ended and I will start a new chapter with him.
"Congratulations!" Yumakap ako sa leeg niya nang matapos na ang seremonyas. Kaniya kaniyang lapitan ang lahat sa kanilang pamilya o kaibigan upang magkuhanan ng litrato.
My parents are here earlier pero hindi nila tinapos ang seremonyas dahil may itinawag ang company. Kailangan daw silang asikasuhin. I admit nalungkot ako. Proud naman sila pero hindi ko lang matanggap na hindi nila tinapos ang buong program. I was also planning to introduce Derrick to my parents but they have just suddenly gone.
He chuckled. "Thank you. Congratulations. You did it huh? Can't believe it." Panunuya niya.
"Aba! You know I struggle so hard to make it here!" Ngumuso ako at nagpaawa.
"Kidding. I'm so proud of you baby." Lumapit pa siya at hinalikan ang aking noo. "So beautiful."
Umirap ako pero hindi napigilang ngumiti. "I know right."
Napalingon kami sa bandang kanan at nakitang papalapit si Hope kasama si Kuya at Alexia. Yumakap ako sa kanilang tatlo at nagpasalamat sa mga pagbati nila. Derrick's father is still in France. Uuwi daw pero baka sa susunod na araw pa.
Seriously, what kind of relationship do we have? Hindi pa namin naipapakilala ang isa't isa sa aming mga magulang. I understand him, his father was busy abroad for business. Ako? Hindi ako makahanap ng tiyempo. Sa tuwing gusto kong isingit ay natitigilan ako kapag business ang pinag-uusapan. Hindi ko gets kung ano ang pinaka pinag-uusapan ng magulang ko pero basta ang alam ko, may problema sa company namin. Our business is all about perfumes.
Kapag may ganiyang problema, ang ipasok ang tungkol sa mga Hunter na matagal na nilang gustong makuha ang loob, ay talagang hindi magandang timing. They might think I only want Derrick because that's what they told me, for business only. Ayoko nun. Hindi ko ginagamit si Derrick.
So I decided na sa ibang pagkakataon nalang. Derrick doesn't open it up naman. He's cool with my decision.
"Woah, can't believe that my troublemaker sister has graduated! Akala ko hindi talaga! Akalain mong marunong ka rin palang magseryoso sa buhay."
Sinapak ko siya. "Fuck you."
"Caroline." Nagbabantang tinig ni Derrick.
Napakagat ako sa labi ko at inirapan nalang si Kuya na nakangisi. Tuwang-tuwa siya dahil para akong tuta na sumusunod ngayon sa amo.
Napalingon ako sa bandang kaliwa at nakita si Kath na lumalapit. Nagpaalam ako sa mga kasama at nilapitan si Kath na malawak na nakangiti. Nagyakapan kaming dalawa dahil tapos na ang huling taon namin sa high school.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...