Oh so trouble
"Hindi ba ako pwedeng magpahinga? Nakita mo naman diba? Naglaro ako at baka nakakalimutan mong nakakapagod yun."
"Ang mga kasamahan mo, napagod rin sila pero papasok sila ng klase."
I tsked. "So? Ako ba sila?" Hinila ko ang kamay ko. "I wouldn't go with you. If I said I will rest, then I will rest." Isang irap pa at tumalikod muli ako.
"I'm still the President of this school. I have the right to discipline every student."
Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa kaniya. "Ahhh oo nga pala noh? President ka nga pala..." Sarkastiko kong banggit. May itinuro ako sa kaniya mula sa kaniyang likuran. "Look, may mag ka-cutting na students. Diba responsibility mo na itama ang bawat estudyante? Then go! Do your duty!" Tumingin siya sa likuran niya at nakita ang itinuro ko.
Gaya ng naisip ko, pumunta nga siya roon. It's my chance now to leave! Dahan-dahan akong umatras, trying so hard not to hear my footsteps. Nang naroon pa rin ang atensyon niya sa iba, tumalikod na ako. Handa nang tumakbo...
"And where are you going?"
Shit! Bakit ba hindi ako makatakas?
"Huh? Ahm nagugutom ako kaya pupunta ako sa cafeteria!" Naglakad na ako pero nahila niya ang likurang bahagi ng uniform ko kaya parang nasasakal ako pero hindi naman dahil maluwag yun.
"Stop making excuses. Wala dyan ang cafeteria, sa kabila."
I bit my lower lip and make my way to the cafeteria. Parang bigla akong nagutom. Totoong nakakaramdam ako ng gutom, hindi ito kalokohan.
"Stop tailing me! I hate your presence!" I yelled at him. May ilang tumitingin pero tinaasan ko lang sila ng kilay at muling naglakad. Ang magaling nilang Presidente hindi makaintindi. Hanggang ngayon, nakasunod pa rin.
I found a vacant table then sit down. Naupo rin si Derrick at hindi man lang nagtanong kung payag ako na maki table siya sakin. And just like that, pairs of eyes are on us. He doesn't care and so as I.
"Why won't you sit to the other table? Your secretary is actually looking at us, hoping that you'll go there."
He raised an eyebrow. "You're hungry, right? Then order now."
Walang pasabi akong tumayo at pumunta sa counter para mag order. Nahawi pa ang pila dahilan para ako agad ang mauna. Hindi ako mabait para sabihing mauna sila dahil sila talaga ang nauna, besides, sila na ang nag give way so might as well grab it.
I ordered rice, chicken, and water. When I return to my table, the annoying President is still there. Walang imik akong naupo at kumain. Tumayo siya pero hindi ako nag-angat ng tingin. Akala ko umalis na siya kaya nagulat ako nang bumalik siya at may dala pang pagkain. He also ordered food for himself.
After eating in silence, I stood up to go to the classroom. It's five minutes before the time so everyone is preparing to go.
Nakatingin lang sakin si Derrick at walang balak alisin ang paningin niya. Wala tuloy akong choice kung hindi ang bumalik sa classroom.Ilang oras akong natulog lang sa klase. Good thing walang tao ang nang-istorbo so nagising ako ay naglilinis na ang cleaners. Konting unat ay lumabas na ako. I remember that I have errands to do. Someone is challenging me.
Kinapa ko saglit ang tagiliran ko at nakaramdam ng kaunting kirot dahil sa paniniko kanina ni Flores. Isa pa ang babaeng iyon, akala siguro ay palalampasin ko ang ginawa niya. Alright, pinalampas ko ngayon dahil nasa laro kami at ayokong gumawa ng away lalo na at naroon si Derrick. Hintayin niya lang ang magiging ganti ko.
Good thing pamilyar ako ako sa mga lugar na malapit, ilang minuto lang ay nakarating ako sa lugar. Doon, natagpuan ko si Amara na nakatayo sa gitna. Nakangisi at tuwang-tuwa na makita ako. Sa likod niya ay tatlong lalaki.
YOU ARE READING
Surrender to You
AcakCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...