Come back
"Anong meron sa inyo ni Davis, Cary?" Ani Kath.
"Huh? Wala. Even friends, we're not."
She smirked. "More than friends?"
Ngumiwi ako. Tumawa silang tatlo. "Tss. Lalong hindi!"
Nandito silang tatlo sa condo ko. Sinabi kong office-condo lang ang buhay ko. Nilahad ko rin ang sinabi ni Kuya kaya sila nalang ang bumibisita sakin. Sa tuwing nandito sila ay sobrang ingay. Nasama si Den minsan pero madalas siyang sa kwarto lang. Pero ngayon ay kasama namin siya dito sa kusina at nakikipag-usap rin naman.
Kung bakit ganiyan ang tanong nila ay dahil nasa opisina ko si Hank kahapon. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit siya pumunta. Gusto lang daw niya akong makita. I'm not dumb to notice his gestures. He's hitting on me. Ngunit minsan, pakiramdam ko ay binibiro niya lang ako. Hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin dahil wala naman siyang ginagawang masama. Isa pa, alam niyang yung best friend niya ang mahal ko.
Speaking of his best friend, hindi na nga kaming muling nagkita simula noong huling nangyari sa mall. Hindi rin ako nagrereply pero konting tulak nalang talaga ay bibigay na ako. Namimiss ko na siya. Madalas akong matulala sa pag-aalala. Lagi rin akong nakaantabay sa mga krimen na ibinabalita. Napaparanoid ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kaniya.
Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay may dumating na e-mail sakin.
Ms. Standford,
Good day! How are you? I just want to inform you that I will be heading to Zambales tomorrow with some Engineers to check the ongoing construction.
If you ever want to know some of the details, you can e-mail me. I know you're too busy so I'm not suggesting visiting the site. I will note all of the important information you need to know.
Have a great day!
Regards,
Engr. Derrick Knight HunterPaulit-ulit kong binasa ang kaniyang e-mail. Habang binabasa ay may ideyang pumasok sa isipan ko. Ibinaba ko ang phone at nakipagkwentuhan sa kanila. Ilang saglit pa ay tumunog ang doorbell.
Tumayo si Lucy. "Si Lionel yan."
Truly. Pagbalik niya ay kasama niya si Lionel na may hawak na bote ng alak. Hindi lang isa kundi isang case. Nanlaki ang mata nilang lahat maliban sakin. Biyernes ngayon at wala siguro silang trabaho kaya masaya. Ako rin ay walang schedule bukas kaya ayos lang na hindi pumasok ng opisina.
I looked at Denfie. "You want to?"
She shrugged. "Fine with me. Are we going to work tomorrow?"
I shooked my head. "I want to rest. We can enjoy the night."
Sobrang bilis nila magsiinom dahil hindi pa lumalalim ang gabi ay nakapitong bote na kami. Kita kong may tama na sila. Puro tawanan ang maririnig. Ilang tuksuhan rin at magchichismisan tungkol sa mga taong nasa showbiz.
Na hot seat pa si Jazzi dahil sa mga lalaking nababalitang ka relasyon niya.
"Hindi kayo nag de-date? Come on, that dude is hot." Gigil na sabi ni Lucy. Hindi naman nakalampas sa mata ko ang simpleng pagsama ng tingin ni Lionel sa kaniya.
"Right. Ang gwapo nun!" Si Kath.
Ngumiwi si Jazzi. "Magsitigil kayo! Magkaibigan lang kami. I prefer a guy outside showbiz!"
"Sino? Yung ex mong hinahabol mo?"
"Ayan na naman tayo! Hindi nga ako naghahabol!" Tumayo siya at nakakunot ang noo.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...