Kabanata 35

2 0 0
                                    

Drunk

Huminga ako ng malalim. Taas noo akong lumakad at hindi nilingon ang mga matang nakatingin sa amin ngayon. Marami ang nagugulat at marami rin ang naguguluhan. Nanatiling nakatingin sa unahan ang aking paningin at sumusunod lamang sa ina ko patungo sa tingin ko ay conference room. Nakapaligid ang bodyguards namin at handa sa posibleng kapahamakan sa paligid.

I looked at Denfie and she seems professional. Tahimik at nagmamasid lamang siya ngunit sa unahan rin ang mata. Nang mapansin ang tingin ko ay tipid siyang ngumiti, pinalalakas ang loob ko.

Kinakabahan talaga ako. Ngayon lang ako haharap sa maraming tao at ang tingin nila sa akin ang mas nakadaragdag sa kaba ko. I'm pretty sure that all part of the board and even the investors knew that I was that girl who's always on the news because of bad hobby, and that is punching her schoolmates who touched her. And there is only one daughter a Standford has. That is me. Who will believe that I was traumatized before that I was able to do that? Look at me. I can even punch all of these people who have that judgmental eyes.

As we entered the conference room that I think can hold hundreds of people, everybody stood up to greet us. May ilan pang nagyuko ng ulo bilang tanda ng kanilang paggalang. Seryoso lang si Mommy kaya nagseryoso lang rin ako. Nakakamangha na hindi pala lahat nang narito ay matatanda na. Bata pa ang karamihan at inaasahan ko talaga ay yung matatanda na may puti puti nang buhok. Some young ones I think are on their middle twenties and late twenties.

Mom made her way on the platform, in the podium. She signal everyone to be seated. Napatitig ako sa aking ina na talagang makapangyarihan sa mundong ito. Kita ang paggalang sa kaniya ng lahat. Being the CEO takes power, authority, and intelligence. Ngayon palang ay kinukuwestyon ko na ang sarili kong kakayahan. Baguhan ako at hindi na ako magtataka kung kukuwestyonin rin ng mga taong ito ang kakayahan ko na manguna sa kanila.

Tss. This is really funny. I'm too stupid for this big company.

Oh God, help me.

"A great morning to everyone! I am glad to see you all well. We are gathered here today, I know you all have an idea, to announce the new CEO of Stan Empire. From this day on, I will be with you as part of Board of Directors because my daughter will take the position. Let's welcome here in front my lovely daughter. Respect her as you respect me. Caroline Rhys Standford..." Palakpakang nakakabingi at tayuan ang ibinigay nila.

Pilit akong ngumiti at sa nanginginig na tuhod ay tinahak ang kinaroroonan ni Mommy. Sinalubong niya ako ng yakap at halik. "Are you sure now, Mom? Can I really do this?" Bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

She smiled. "You can. I believe, we believe you can."

Sana nga Mom. Sana nga.

Huminga ako ng malalim at tumapat sa mic. Inilibot ko ang mata sa maraming tao na namamangha pa sa akin, lalo na ang mga kalalakihan. Ngumiti ako at nagsalita. "Good day everyone! I am Caroline Rhys Standford, the youngest of them. Honestly, I still can't believe that I'm here today to speak in front of you. The fact that I admit that I still lack knowledge, is enough to make me back out." Saglit akong tumawa at may ilan rin ang narinig kong tumawa. "I lived in States for years that's why my name isn't too popular the last years. Have you missed that little girl that is often a headline in newspapers? Don't worry, I will definitely make a big name now. Not a negative one but full of positive feedback for this company. I hope you cooperate well and consider my adjustment as I work for the highest position. It's my honor to work with you all. Thank you." Yumuko ako at tinanggap ang mga palakpak nila.

Matapos akong ipakilala ay sinabi ni Mommy ang lahat ng gawain pati na rin ang mga nalalapit na projects na ako na ang bahala. Pinakinggan kong maigi ang lahat ng iyon kahit na alam kong uulitin sakin ni Den and mga ito. Ilang saglit pa at natapos ang nangyaring iyon sa conference room. Nagtayuan at naglapitan ang mga matatanda na at nakipagkamay ako sa kanila. Maraming tao at lito man ay hinayaan kong makarelate sa pinag-uusapan. Makaalis nang ilan ay may lumapit pa na agad ko ring kinausap. Mga batang investors naman ay nais pang manatili ngunit hindi ko na rin mapaunlakan ng oras dahil kailangan ko nang puntahan ang aking opisina.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now