Kabanata 13

0 0 0
                                    

Hope

"How about you?" Nagulat ako kay Kuya nang bigla siyang magsalita. Kanina pa kami dito nakatayo at walang nagbabalak na magsalita. Ngayon na lamang ulit.

"Huh?"

He smirked. "Akala mo makakapaglihim ka sakin? Kilala kita. Alam kong may napupusuan ka na."

I rolled my eyes. "Kapal. Wala oy!"

Am I that obvious?

"Oh yeah? You're actually glowing. Is it that Hunter?"

Umawang ang labi ko. Napakurap ako at hindi na makatingin kay Kuya. Akala ko mga babae lang ang malakas ang instinct, pati pala mga Kuya. How did he know that?

I scoffed. "Assuming. Paano mo nasasabi yan, huh? Grabe ka Kuya, huwag mo ngang idamay yung tao. Walang kaalam alam na nadadamay ang pangalan niya."

Umiling siya at mas lumawak ang ngisi. "So wala siyang alam? Hindi ka pa naamin?"

"Ewan ko sayo! Sabing wala akong gusto dun!" Tumalikod na ako at pumasok sa bahay.

"Don't worry! I'll keep it a secret!" Sigaw pa niya.

Nakakainis si Kuya! Akala niya huh! Gaganti ako. Hahanapin ko kung sino ang girlfriend niya.

I contacted some acquaintance that are close to the circle of friends of my brother. I talked to five people before I successfully got the information of the woman. Lumabas ako ng kwarto ko para puntahan si Kuya pero sa pagbukas ko ng pinto, si Mommy ang nasa labas ng pinto ko. She was about to knock but I already opened the door.

"Mom? Why?" She seems nervous. If she's nervous, why is she even here?

I'm not attached to my Mom. I'm more fond of my father. When I was young, Mom was always in the company. She's the CEO of our company. Company yun ng grandparents namin at ibinigay na sa kaniya. They actually want to give it to Daddy at first but he chose his political activities.

I only have few memories of her.

"Ahm, the Hunter who's-"

I raised my hand to stop her. "I already said my stand. I don't want to follow any of your command."

"Honey it's not a command, it's a favor."

Nilampasan ko siya. Wala akong balak makinig sa mga gusto niya dahil mas mahalaga lang ang company para sa kaniya.
Napatigil ako dahil sa paghawak niya sa braso ko. "Please..."

Tss. This is starting to get emotional.

"No." Matigas kong sabi saka inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Dumiretso ako sa kwarto ni kuya at walang katok katok na pumasok. There, he's seating in his study table, reading a book.
My Kuya Martin is attending Medical School. He wants to be a doctor.

Nahiga ako sa higaan niya. "Kuya, I have a news."

"What?" He answered without looking back at me.

Aish! Addict talaga mag-aral.

"Hmmm," I smirked. "Make a guess."

Mabilis siyang lumingon nang marinig ang panganib sa boses ko. Nakakunot ang noo niya at handang gumawa ng galaw kung may masasabi akong hindi maganda. Si kuya talaga ang nakakakilala sakin ng lubos. Kahit hindi niya ako nakikita at boses ko lang ang naririnig niya, alam niya ang totoong nararamdaman ko.

"Hindi ko gusto iyang pagngisi mo. Ano na naman yan?"

Naupo ako at ipinakita ang cellphone ko. Ipinapakita ko roon ang larawan magandang babae. Ngunit base sa pananamit niya, alam mo agad na magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Anyway, I like her world. I'm excited to meet her.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now