Goodnight
Derrick:
I'm free this weekend. You?Tumingin ako kay Den. "What's my schedule this Friday and weekend?"
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Isa lang ang meeting mo sa Friday at wala naman sa weekend, Miss. Siguro kung may emergency meeting lang pero mukhang wala dahil ayos na naman ang lahat ng ibibigay natin sa pageant na mangyayari next week."
Good.
Ako:
I'm free too. Let's go there this weekend.Derrick:
Alright. See you.Ako:
Should we use one car only, Engineer?Derrick:
Let's use mine, Miss Standford.Bakit pakiramdam ko sarkastiko yung 'Miss Standford' niya?
Ako:
Noted po.Humagikgik ako sa sinabing iyon. Pakiramdam ko naasar ko siya sa sagot na yun. May vibe talaga siya ng isang leader kaya tama lang na mag 'po' sa kaniya.
Nag-angat ako nang tingin at napansing titig na titig sakin si Den. I mouthed 'what' but she just shrugged. Nagtapos kami ng pagkain at sabay na umalis sa parking lot. Nakita kong may text sa phone ko kaya binuksan ko yun.
Tita Paulina:
Kasama ko ang mga anak ko ngayon. Text me kung gusto mong makita ang anak ko. Gwapo 'to.Tumawa ako at umiling.
Ako:
Next time, Tita. I'm too busy with work.Tita Paulina:
Alright. Ingat ka daughter-in-law.Maayos ang araw ko. Binisita ako ni Mommy para kumustahin. Nagsabi rin siyang bumisita ako kahit dinner bukas dahil aalis na sila ni Daddy sa susunod na linggo patungong Canada. Alam na rin niyang paalis ako ng weekend para asikasuhin ang lupain sa Zambales.
"Mag-iingat ka sa Zambales. Sino ang kasama mo?"
"Yung Engineer na hahawak ng buong project, Mom."
Tumango siya. "Ganun ba? Saang firm yan?"
Tumikhim ako. "King Hunter Construction, Mom."
"Oh that's good! Kilalang kilala ang firm na yan kahit bata pa ang nagtayo. Hindi pa ganun katagal pero talagang gumagawa ng pangalan." Ngumiti siya at tumayo na. "I need to go na, honey."
"Alright. Ingat ka, Mom. Send my regards to Dad. Uuwi ako sa mansion bukas for dinner."
"Okay. Thank you, anak. Bye!"
Yumuko ako sa aking lamesa nang muling maalala ang pinag-usapan namin kahapon ni Tita Pau. Half of me wants to dismiss her idea and half of me wants to believe it. Tama siya, hindi ko napapatawad ang sarili ko kung kaya't hindi ako makahingi ng tawad sa ibang tao. Kaya hindi ako nagiging komportable kay Derrick dahil hindi ako handang pag-usapan ang nakaraan. Siya ang mas nasaktan sa pag-alis ko dahil wala siyang alam. Ang mga kaibigan ko ay maiintindihan kalaunan pero mas naguguluhan si Derrick. Kung totoong hinahayaan niya lang ako na magsalita, mukhang kailangan ko talagang patawarin muna ang sarili sa lahat. Wala namang mali. Kaya kong magpaliwanag sa kaniya ngayon din kung maayos ako. Pero ang may problema dito ay ako. Sa lahat ng nangyari, ang sinisisi ko kung bakit nasasaktan kaming lahat ay sarili ko. Kahit paulit-ulit kong sabihin na si Nestor ang puno't dulo ng lahat, sa kabilang parte ng utak ko ay may nagsasabing may magagawa ako para kausapin sila. May magagawa ako para kitain sila. Kahit pa sabihing inilihim ng pamilya ko sa lahat ang nangyari sakin, may magagawa ako.
Naalala ko ang sinabi niya noong high school pa kami. Iniwan ko siya sa cafeteria at hinanap niya ako. Nagkita kami sa field at sinabing huwag ko nang gagawin ulit yun. Na huwag ko siyang iiwan nang walang sinasabi. Gusto niyang isama ko siya.

YOU ARE READING
Surrender to You
AcakCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...