Goodbye
Ang tinig na yun ay nagpakalma sa akin. Binitawan ako ni Nestor at tinalikuran ako para harapin ang bagong dating. Hinang hina man ay pinilit ko pa ring buksan ang mata ko para tingnan ang lalaking nagmamay-ari ng tinig. Sa oras na yun, tumulo ang luhang hindi ko inaasahan.
Luha ba yun ng kaginhawaan o luha ng sakit? Siguro dahil may isang tao ang inaasahan kong darating para sa akin. Dahil siya ang madalas na nagliligtas sa akin. But not this time.
"Doc, gawin mo ang lahat para sa kapatid ko!..."
"Anak..."
"Caroline..."
Maraming boses. Nagkakagulo sila. Ramdam ko ang iba't ibang aparato na ikinakabit sa akin. Maging ang init nang dugo kong patuloy sa pagdaloy ay ramdam na ramdam ko rin. Lahat sa akin ay masakit. Gusto kong imulat ang mata ko dahil naririnig ko ang iyak ng mga magulang ko. Gusto kong ipakita na ayos lang ako. Gusto kong ngitian sila at iparamdam na ayos lang ang lahat. Na wala silang dapat ipag-alala. Pero wala akong lakas. Unti-unti akong hinihila sa kadiliman na kahit ayoko nang bumalik doon ay doon pa rin ako dinadala. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kung saan. Magpakain sa dilim na hindi na yata mawawala kailanman.
I opened my eyes and a blinding light hurt my eyes. Everything I can see is white. Funny that hospital became a third home of mine. First, our mansion. Second, his arms. No one is inside the room but me. I tried on getting up but my whole body is in pain so I stayed still. Only my eyes are moving. I frowned with silence.
Where are they?
Minutes passed when the door opens. I forced to give a small smile. Mabilis niyang ipinatong ang mga dala sa lamesa at lumuluhang lumapit sa akin.
"Anak," pinahid ni Mom ang kaniyang luha at nanginginig ang kamay na hinaplos ang aking pisngi. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Anong gusto mo? Anong masakit? Nagugutom ka ba?" Sunud-sunod niyang tanong. Napansin niya ang paglayo ko ng mukha sa kaniyang palad kaya't inalis rin niya agad.
"M-Mom," medyo paos kong tawag. "Everything hurts Mom." Nanghihina kong tugon. "I-Ilang oras na akong tulog, Mom? Where is Dad? How about Kuya?"
"Honey, y-you're unconscious for... four days."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Four days? Apat na araw na ang nakalipas pero bakit masakit pa rin ang katawan ko?
"B-but why am I still in pain?"
"Masyadong malalim ang tama ng bala sayo, anak. Ang mga pasa ay hindi pa rin tuluyang magaling. Ang mahalaga sa ngayon ay gising ka na, huh? Tatawagan ko ang Daddy mo para ipaalam na gising ka na." Akmang tatalikod siya nang hawakan ko ang laylayan ng damit niya.
"N-Nestor. Where is he?" Malakas ang kabog nang dibdib ko sa bigkas palang ng nakakairitang pangalan na yun.
"He's dead. That devil is dead."
Sa kabila ng kaalamang iyon ay hindi pa rin ako makalma. Pakiramdam ko ngayong bumabalik na lahat sakin ang nangyari nang mga nakalipas na araw ay may umuusbong na matinding takot sa loob ko. Mas matindi.
"Nanlaban siya sa mga pulis at binaril siya. Ilang tama ang tinamo niya at patay na siyang nang makarating sa ospital. Wala na siya anak."
I shooked my head. "He don't deserve to die like that. Masyadong mabilis. Hindi man lang siya naghirap. Hindi man lang niya naranasan ang pisikal na sakit. Napaka hayop niya. Dapat nanatili siyang buhay habang nararanasan ang impyerno sa ibabaw ng lupa." I gritted my teeth. "Mom. Look at me. M-Mas lumala ako. Mas lumala ako." Hindi ko napigilan ang humagulgol. Naaawa ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung gaanong takot at sakit pa ang dadanasin ko dahil sa insidente.
YOU ARE READING
Surrender to You
De TodoCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...