Unexpectedly
Hindi ako nagpapaalaga sa tuwing may sakit ako. Ayoko nang binabantayan ako. Kahit kasambahay namin ay pinaaalis ko at ako na ang bahalang uminom ng gamot at kumain ng pagkain na dinadala nila sa kwarto ko sa US.
Kahit noong kami pa ni Derrick ay wala akong matandaan na inalagaan niya ako dahil may sakit ako. Noong na ospital lang ako noong halloween party namin back when we were high school ang alam kong binantayan niya ako at inasikaso. Other than that ay wala na.
Kaya hindi maalis ang tingin ko sa kaniya habang nagpapanic siya sa pagbubukas ng cabinet sa paghahanap ng blanket. Nang wala siyang mahanap ay kinuha niya ang flashlight at lumabas ng kwarto. Mas niyakap ko naman ang sarili ko ngunit hindi ako makabalik sa pagtulog dahil sa lamig.
"Here." Nakabalik na siya at pinatungan ako ng dalawa pang makapal na kumot. "Better?" Malambing niyang tanong.
"Y-Yeah. Better." Pumikit na ako.
"You didn't eat. Ipagluluto kita ng soup. Nakainom ka na ba ng gamot?"
"Wala akong... nakitang gamot," mahina kong tugon.
"Alright. I'll look downstairs. Kung wala ay lalabas ako at maghahanap ng mabibilihan."
Tinitigan ko siya. "No. Let's just wait in the morning. Sobrang lakas ng ulan, delikadong lumabas."
"We can't wait. Gusto mo bang mas lumala ka pa? Let me, hmm? Just wait here."
Wala akong nagawa kung hindi ang hintayin nga siya. Ilang minuto lang ay narinig ko ang tunog ng makina niya. Mukha wala talagang gamot sa bahay na 'to.
Oh God, guide him. Don't let something bad will happen to him. Please.
Kahit isinisigaw ng isip ko ang matulog ay hindi ko talaga magawa. Gusto kong hintayin siya at siguradong maayos sa pagbalik niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may hindi magandang nangyari. Inabot ko ang cellphone ko na katabi ng unan ko.
1:23am
May bukas pa bang botika o kahit pharmacy sa oras na ito? Medyo malayo pa naman ito sa bayan. Bumangon ako at naupo. Nakasandal ako sa headboard at tumulala sa kawalan. May apat na kandila ang nakasindi dito sa kwarto kaya hindi ganung kadilim. Sa labas ay sobrang dilim. Idagdag pa ang lakas ng ulan at kulog na nagpapalala ng kaba ko. Hindi ito mawawala hangga't hindi ko siya nakikita.
Nakakita ako ng jacket sa cabinet at kinuha yun. Isang kumot rin ang binitbit ko palabas hawak ang isang kandila. Ipinatong ko ang kandila sa table na nasa living area at naupo sa sofa. Yakap yakap ko ang tuhod ko at nakapikit lang ako habang inaantay siya.
Nasa gitna ako ng paggising at pagtulog nang makarinig na ako ng tunog ng makina. Gusto ko sanang tumayo at salubungin siya pero alam kong mas mainit na ang katawan ko ngayon.
"Fuck, why are you here?" Mahinahong sabi niya ngunit hindi na ako nagmulat. "Let's go, stay inside the room." Mabagal akong umiling sa kaniya.
Malakas siyang bumuntong hininga at umalis. Naramdaman ko nalang na binalot niya ako ng kumot na kinuha niya siguro sa kwarto. "Wait here. I'll cook soup and this will be fast. Iinom ka ng gamot."
Maybe because of relief, I finally gets to sleep. Knowing he's safe even if I didn't open my eyes, his husky voice that always a music in my ears in enough to calm the storm inside.
Thank you. Thank you, God.
Marahang tapik ang gumising sa akin. Mahilo-hilo akong nagmulat ng mata at naguguluhan pa sa paligid. Nagtama ang tingin namin ni Derrick na nakatungo at humahaplos sa buhok ko. Puno ng pag-aalala ang mata niyang nangungusap. Mas pinatingkad ng ilaw ng kandila ang kagwapuhan niya sa oras na ito.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...