Kabanata 18

1 0 0
                                    

His Girl

"Love. Yan pa rin ang dapat na mangibabaw. I hope kung anong galit o sama ng loob ang kinikimkim ng bawat isa sa loob ng lugar na ito, mangibabaw pa rin ang pag-ibig. I'm telling you, you wouldn't want to experience regret."

Yan ang huling mga salita ng speaker at tapos na ang camp na ito.

Development. Career. Love.

Those three are what we tackled during this whole camping. Ang ikatlong salita ang pinagtuuanan niya ng pansin sa pagtatapos ng programa. I get it, the strongest word and feeling people may feel is love.

But I won't agree to her. I bet hindi pa siya napunta sa sitwasyon kung saan walang pag-asang mangibabaw ang pag-ibig. What if it's a matter or life and death? Pag-ibig pa rin ba ang dapat pairalin? Puso pa rin ba ang pagaganahin?

Bullshit!

"Let's go?" Tumango lang ako kay Derrick at pumasok na sa bus namin. Niyaya ako ni Jazzi at Lucy sa van nila pero hindi ako pumayag. Mas gagawa lang yun ng gulo lalo na at marami ang maiinggit sakin. Not that I'm afraid to make a fuss, I just don't have the energy to deal with trouble right now.

Ilang minuto palang na nakakaalis ang sasakyan sa site ay tulog na ako. Hindi rin kami masyadong nag-usap ni Derrick dahil na rin sa busy siya sa duty niya. Nagising nalang ako na malapit na kami sa school.

I blink. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Lumingon ako kay Derrick at nagulat pa ako na nakatitig siya sakin. Hindi ko alam kung nakatulog na ba siya o hindi pa. He cocked his head to the side. "Feeling better?"

I smirked. "Uh-huh. Ikaw? Nakatulog ka ba?"

Tumango siya. Kumuha siya ng bottled water at iniabot ito sakin. Ininom ko naman ito at napatingin sa magandang araw na unti-unti nang napapalitan ng dilim.

"Nasa school na ang sasakyan ko. Ihahatid na kita pauwi. Huwag mo nang ipadala ang sasakyan mo."

Better. Tinatamad rin akong mag drive.

"Alright"

Pagbaba ng bus, kaniya-kaniya na ng pagpapaalam ang bawat isa. Dumiretso ako ng lakad at nilampasan sila. Nasa likuran ko Derrick at maaaring yun ang dahilan kung bakit napapatingin ang ilan sa akin. Agad naman silang umiiwas kapag nagtatagpo na ang patingin namin.

Jazzi:

Cary, diretso na kami. Need to attend some colleague's party. Ingat ka. Text us if you're home.

Lucy:

Ingat girl. I'm sure kasama mo ang President of your heart? Ciao. Love you!

Umirap ako. Tumigil ako at tumingin kay Derrick. Alam niya ang nais kong sabihin kaya umuna siya sa paglakad at ako naman ang sumunod sa kaniya. Napaawang ang labi ko nang tumigil siya sa harap isang porsche car na kulay gray. Wow. Mayaman talaga siya. Pinagbuksan niya ako at agad ngumisi nang makitang tulala pa ako sa maganda niyang sasakyan. Really? Sa edad niyang ito ganitong kagandang sasakyan na ang meron siya?

Tss. Come on, Cary, may Ford ka!

Pero mas gusto ko ang ganitong sasakyan!

Dahan-dahan akong pumasok at naamoy agad ang nakakaadik na bango. Ganito rin ang amoy ni Derrick. Hindi maipagkakailang sa kaniya ito. Humikab ako at lumingon nalang sa bintana. Tinted ang sasakyan pero marami pa rin ang nakatingin dito.

"Tired?"

Nagkibit balikat ako. "Tama lang. Hindi naman ako nag participate sa activities. You?"

Lumingon ako sa kaniya at may maliit na ngiti ang sumisilay sa labi niya. "Tired. I actually want to rest."

Bumuntong hininga ako at naalala na siya talaga ang halos naging punong abala sa camp. Siya ang President at marami siyang tungkulin na dapat gampanan. Ang problema na umusbong sa camp ay sa kaniya lahat ang bato. Paano niya nagagawa yun? Kasi ako? Sariling problema ko nga di ko masolusyonan, problema pa kaya ng iba?

Surrender to YouWhere stories live. Discover now