PeaceLife.
Noon, wala akong pakialam sa buhay ko simula nang mangyari ang trahedya noong bata pa ako. Kinamuhian ko ang lahat ng tao sa paligid ko. Itinaboy ko ang lahat ng nagtatangkang makipag-usap o magkaibigan sakin. Isinara ko ang pintuan ng mundo ko mula sa lahat. Taon ang lumipas bago may nakapasok sa saradong pinto. Ngunit sa kabila ng pagyapak nila sa buhay ko ay nanatili ang sikreto sa kalooban ko. Nanatili sa dilim ang kalahati ng pagkatao ko.
Itinatanong ko sa Kaniya kung gaano kalaki ang kasalanan ko para maranasan kong mabuhay ng ganito. Makulay ang mundo sa mata ng batang ako ngunit isang iglap ay lumubog ang akala ko'y paraiso.
Walang nagmamahal sakin. Walang magmamahal sakin.
Natuto akong lumaban. Ipinakita ko kung paanong malakas ako hanggang sa puntong katatakutan ako. Ang takot ay nawala at napalitan ng pagiging malupit. Gamit yun ay naitutulak ko ang kahit sino palayo. Gamit yun ay natutuwa ako sa tuwing uurong ang bawat titingin sa mata ko.
Ngunit hindi yun ang kasiyahan.
Pagpapatawad.
Yan ang kulang sakin. Kung bakit ako nagbago at napuno ng galit ay dahil hindi ako nagpatawad. Bukod sa sarili ko ay sinisi ko ang mga magulang ko. Walang magpapakalma sa akin kung hindi ang galit na yun kaya inalagaan ko yun ng ilang taon.
Nabulag ako ng muhi. Hindi ko alam na sa panahong wala akong tatakbuhan, panahong walang wala akong kakapitan, ay sila ang aagapay sakin. I just thank heavens that they gave them to me. I finally realized how blessed I am for having a family.
But nothing can beat the happiness I felt when he came into my life. I suddenly want to walk on the right path because of him. I suddenly want to change just to fit in with him. I want to be good enough for him. Who says I don't believe in love? That was before. When I don't love anybody even myself. I consider myself mighty and trash at the same time. Who knows that I will love a person up to the point that I wouldn't let go even though it hurts?
Masyado akong nahahalina sa gulo. Gustong gusto ko kung may masasaktan ako. Gusto ko ang mukha ng iba na napapangiwi sa sakit. Hindi ko akalain na ipapain ko ang sarili ko para lamang magligtas ng tao.
Baliw ba ako? Siguro nga. Baliw na baliw ako sa kaniya na inilagay ko ang sarili ko sa panganib dahil ayokong masaktan ang babaeng pinahahalagahan rin niya.
Pero pinahahalagahan rin naman niya ako diba? Kaso nga lang, kumpara sa aming dalawa ng kaibigan niya, alam kong mas kaya kong lumaban. Alam kong mas makakaya ko ang takot dahil mas matindi pa ang lahat ng pinagdaanan ko kumpara sa mararanasan ko.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Masakit sa mata ang liwanag na tumambad sakin kaya napapikit rin ako agad. Ang sakit ng katawan ko.
Pagmulat kong muli ay isang pares ng mata ang sumalubong sakin. Nakatitig ito at parang hindi makapaniwala. Huminga siya ng malalim at saka ngumiti.
"Y-You're awake."
Magulo ang kaniyang buhok. Maitim rin ang ilalim ng mata niya. Gwapo pa rin pero kung tititigan ay halatang pagod at inaantok ang kaniyang mata. Nanghihina akong ngumiti sa kaniya. Lumingon ako sa lamesa at nakakita ng tubig. Naunawaan niya agad ang gusto kong mangyari kaya mabilis siyang tumayo para kuhanin ang bote ng tubig na may straw.
Masakit ang bandang tiyan ko pero pinilit kong umupo. Agad umalalay si Derrick at nakita ko pang may takot sa mata niya. Gusto kong matawa pero nanghihina pa ako para gawin yun.
"I'll call the doctors." Mahinahon niyang sabi. Lumapit siya at marahan na humalik sa aking noo.
Uminom ako ng tubig habang nasa labas siya at tumatawag ng doktor. Yun ang pagkakataon kong ilibot ang aking mata sa paligid. Masyadong malawak ang kwarto na ito kaysa normal na kwarto sa ospital. Purong puti ang paligid ngunit ang mga gamit sa loob ay naglalaro sa kulay kape at itim. May lamesa at mga upuan sa bandang kanan. May cabinet rin na hindi kalakihan. Sa kaliwa ay may maliit na kitchen.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...