Rescue
Pagmulat ng mata ko, kadiliman ang tumambad sa paningin ko. Muli akong pumikit at inalala pa ang nangyari bago ako mapunta sa ganitong sitwasyon. Nasa parking lot ako at hinihintay si Kuya na mag CR para makauwi na kami. Shit! Am I being kidnapped? May flight pa ako kinabukasan.
Unti-unti ay umusbong ag hindi maipaliwanag na takot sa aking dibdib. Nakita ko ang mukha niya. He really came after me and the reason? I don't know.
Nakapiring ang mata ko at nakagapos ang kamay ko sa likuran ng upuang kinauupuan ko. Walang gapos ang paa ko pero hindi ako nagtangkang kumilos sa kinauupuan ko. Kahit puno ng takot ay pinakiramdaman ko ang paligid at wala akong paggalaw na naramdaman. Mukhang mag-isa lang ako sa ngayon.
Bago ko pa mapigilan ay umaagos na ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam ang gagawin sa oras na ito. Pinipilit kong mag-isip ng tama pero alam kong sa oras na makita kong muli siya sa harap ko, kahit alam kong kaya kong lumaban ay lalamunin lang ako ng alaala.
Kuya, hanapin mo ako. Please. Natatakot ako.
Ni hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong alam kung hindi ang piliting ikalma ang sarili ngunit bigo ako. Tanga na ako sa ganitong sitwasyon para piliting alisin ang taling mahigpit nakapulupot sa kamay ko kahit alam kong imposible.
I stopped. Ramdam ko ang pawis na tumulo sa gilid na parte ng noo ko. Sa ganoong pagkakataon ko lang napansin na wala ang suot kong cardigan. Naka spaghetti top lang ako kaya pala ramdam ko ang lamig ng hangin. Umuulan. Malakas ang ulan sa labas.
Nasaan ako?
Hindi ko alam kung gaano katagal pero ang mga oras na dumaraan at wala akong kasama sa oras na ito ay pinapatay ang kaloob-looban ko. Ang dilim, ang lamig, at pag-iisa ang hindi ko na nanaising maranasan muli pero eto na naman ako, nararanasang ang mga bagay na hindi ko na gugustuhin kailanman.
"Gising ka na, mahal na prinsesa?"
I shuddered at his voice. I'm hyperventilating. Mabilis ang paghinga ko at sa tingin ko pag nagtuluy-tuloy ito ay mahihimatay nalang ako sa kinauupuan ko. Muling dumaloy ang aking mga luha. I'm helpless.
Oh, God. Someone help me from this monster.
"F-fuck you! Hayop ka, Nestor!"
Tumawa siya. Nakakarinding tawa na siguradong babalikan ako hanggang sa aking panaginip. "Nasaan na ang 'Tito'? Nawala na ang paggalang mo sa nakalipas na taon, Standford?"
Nanginginig ang labi kong sinigawan siya. "You don't deserve respect! I will never ever respect you! Rot in hell!"
Mas nanginig ako nang marinig ang yapak niyang lumalapit sa akin. Sa katahimikan ng paligid ay masyadong malakas ang tunog ng yapak niya na unti-unti akong pinahihirapan sa paghinga.
"Uh-huh. I will bring you with me to hell. Ikaw ang kabayaran sa kasalanang ginawa sakin ng iyong ama."
What? Anong sinasabi niyang kasalanan?
"Hayop rin ang Daddy mo, Cary. Iyang lintik mong tatay ay walang awa. Wala siyang utang na loob. Akong kaibigan niya ay hindi niya man lang natulungan noong mga panahong humingi ako sa kaniya ng tulong."
"Sana pinag-usapan niyo yan! Bakit dinadaan mo sa ganito? Inosente ako, alam mo yan!" Sigaw ko sa kabila ng garalgal ko boses.
"At inosente rin ang anak ko!"
Anak? Hindi ba't wala siyang anak?
Hinila niya ang buhok ko kung kaya't napasigaw ako sa sakit. Ang lakas niya masyado at wala akong laban. "May sakit ang anak ko! Humingi ako sa kaniya ng tulong dahil bumabagsak ang kompanya ko at hindi ko na kakayanin ang gastos. Nagbigay siya pero sinabi kong kulang. Idinahilan pa niya ang dami ng projects na ginagawa sa kompanya niyo at hindi siya makakapaglabas ng pera agad agad."
YOU ARE READING
Surrender to You
RastgeleCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...