ForgiveBago pa tuluyang makapasok sa sasakyan ay kumalas ako sa braso niya. Sa tuwing malapit siya sakin ay hindi ako makapag-isip ng tama. Kailangan kong dumistansya ng kaunti dahil baka ako pa ang humalik sa kaniya dahil sa pinagsasabi niya roon.
"Huwag mo nga akong tsansingan!" Mahinang bulyaw ko.
"Come on, baby, tell me you didn't like it?" Nakangisi niyang tanong. White long sleeve and black pants lang ang suot niya sa gabing ito at nakatupi pa ang sleeve noon hanggang siko. Pero bakit ang gwapo niya?
"And stop calling me 'baby' for heaven's sake!"
"Hey, init ng ulo natin ah. Alright. Hop in," pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako nang iniirapan siya.
Pagpasok niya ay seryoso na ang mukha niya. "You knew that guy years ago? You haven't mentioned."
Oo nga pala. Hindi ko pinatay ang tawag gaya ng sabi niya.
Umayos ako ng upo. Nakakaramdam ako ng pagka guilty at meron sa loob ko na gusto rin siyang sumbatan dahil hindi rin naman niya nabanggit si Isha sakin kahit noong kami pa. "We met a few times, mostly unexpectedly. He pops like a mushroom. Classmate ko siya sa SEC. Hindi naman siya mahalaga."
Tumango siya. Dinilaan niya ang labi bago nagsalita. "He likes you." Hindi siya nakatingin sakin.
I shrugged. "Yeah. Kasasabi niya lang."
Is Hank a big deal for him? Ano bang problema nila sa isa't isa? Don't tell me minsan na rin silang nag-agawan sa babae? Tss. Sinong babae yan at hahanapin ko!
Hindi na siya umusap at pinaharurot na ang sasakyan patungo sa hindi ko alam kung saan. Hindi na rin ako nagsalita dahil baka hukayin ko pa ang kung anumang meron sa tinginan nilang dalawa kanina.
Sa katahimikan ay tumunog ang phone niya sa tawag. Sumulyap ako roon at nakitang si Isha ang tumatawag. Palihim akong umirap at tinuon nalang sa bintana ang paningin. Gabi na, natawag pa? Girlfriend ba talaga siya? Aish! Nakakabadtrip!
"Yes? Good evening, Isha... Really?... Hmm. I don't know, you know I'm busy... I can't say yes yet... Alright. Bye."
Saan ba kami papunta? Sa ayos kong ito ay tawag pansin talaga.
"That's Isha," sabi niya pagkababa ng tawag. Hindi ako lumingon at hindi rin naman ako sumagot. "She was my classmate and now a friend. We've known each other since freshmen years."
Yeah. We started as schoolmates, classmates, and friends. It's the beginning. Alam ko na kung saan papunta yan.
Kumakalat ang pait sa buong sistema ko. Walang emosyon akong sumulyap sa kaniya at tumango. "I see."
Mukhang maayos na nga siyang talaga tungkol sa mga babae. Hindi na siya galit sa mga ito. Napalaya na niya ang galit niya. Hindi ko alam kung ano nang nangyari nang mga nakaraang taon at mas lalo iyong nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam. Wala akong alam sa kaniya at si Isha ay meron. Wala na akong katayuan sa buhay niya.
I'm too insecure and I know it will only end up with me blaming myself for leaving.
Pakiramdam ko, hindi na ako ang dapat na mag-ari muli sa kaniya. Ako ang dating may-ari pero matapos ko iyong itapon at iwan sa kalye ng ilang taon ay dapat hindi ko na yun binalikan. Kasi may iba na. May ibang nakahanap at nakita ang halaga niya. Inayos siya at ngayong mas maayos na ay babalikan ng dating may-ari para muling angkinin? Hindi ba't kasakiman yun?
Unfair. I'm unfair.
Tumigil ang sasakyan niya sa parking ng condo building niya. May kalayuan ang building na ito mula sa condo ko at sa tingin ko ay mas malapit naman sa company niya. Lumabas siya ng sasakyan pero pareho naming hindi inaasahan ang taong lalapit sa kaniya paglabas niya. Isha.
YOU ARE READING
Surrender to You
CasualeCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...