Mahal na mahal
"Rhys. Rhys, wake up." Kumunot ang noo ko at umungol. Gusto ko pang matulog. Sinong lintek ang nang-iistorbo sa aking pagkakahimbing?
"Shut...up. I'm sleeping, can't you see?" Umayos ako ng upo at tinalikuran kung sino man yun.
"Damn. I really hate babysitting a drunk woman. Bakit kasi hindi nalang siya ang mag-asikaso sa sakit sa ulo na babae na 'to?" Mahinang sabi pa niya. Muli akong napapailalim sa pagtulog nang yugyugin muli ako nang kung sino man yun. "Hey. Ihahatid na kita sa unit mo. Wake up. Come on, princess!"
Nagbukas ako ng isang mata. Madilim na bintana ang unang tinamaan ng paningin ko. Nangunot ang noo ko at umupo ng ayos. Inalala ko kung bakit narito ako at saka tumama ang mata ko kay Lionel. Nasapo ko ang ulo nang maalalang nag-iinuman kami kanina. Nahihilo ko siyang sinundan nang paningin nang lumabas siya at umikot para pagbuksan ako ng pinto.
"Kaya?"
Ngumuso ako. "Nahihilo ako at nasusuka."
Agad naman siyang nagpanic. "Oh damn, not in my car please. Come on. Dahan-dahan lang." Inalalayan niya ako pababa. Hinawakan niya ang balikat ko at tinutulungan akong tumayo ng maayos.
"Wait," nagtaas ako ng kamay. Nangunot ang noo niya pero hinayaan akong maupo. Tinanggal ko ang suot kong sapatos dahil nahihirapan akong lumakad sa mataas na takong niyon. Siya na ang kumuha ng sapatos at tinulungan akong tumayo pero hindi ko na kayang buhatin pa ulit ang sarili ko. "Buhatin mo na ako, Lionel. Hindi ko na kaya."
"Aish! Come on, kaya mo pa." Iwinaksi ko ang kamay niyang pilit akong hinihila. Sa halip na bumangon ay nahiga ako sa sahig. Dito na lang ako matutulog. Sobrang nahihilo ako. "Shit. Shit talaga!"
Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero ang alam ko lang ay binuhat na niya ako. Sa sobrang komportable nun ay dumiretso muli ako sa pagtulog.
Sa pagmulat ng mata ko ay si Denfie ang bumungad sa harapan ko. Parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit. Nagising ako dahil nagpatugtog siya ng malakas at talagang inilapit pa sa tenga ko. Napakasama!
"The hell! I'm tired and sleepy! I feel sick, shit!"
"Really? Then go back to where you were last night! You have work today, I already reminded you. And you will be back like that? Totally wasted? Not the typical CEO, eh?" Nag-abot siya ng isang baso ng tubig kaya bumangon na ako para inumin yun. "Who are you with last night?"
"A long time friend." Tumayo ako at napansing yun pa rin ang damit ko. Dumiretso ako sa banyo at naligo.
"Faster! The hangover soup is waiting! I'll wait for you." Sigaw niya mula sa labas.
Matagal akong naligo at inalala ang mga nangyari kagabi. Malinaw sa isipan ko ang lahat ng naganap pero may isa lang na hindi malinaw. Kailangan kong tanungin si Lionel para malaman ko ang totoo. Napansin ko ring may galos ako sa braso dulot nung babaeng nakaaway ko kagabi. Napailing ako sa sariling katangahan at nilagyan na rin yun ng ointment. Nagsuot ako ng gray slacks at fitted ruffled top saka pinatungan ng gray rin na blazer.
Pagpasok sa kitchen ay nagtimpla ako ng tsaa para umayos ang pakiramdam. Naupo ako sa upuang kaharap ni Den. Inuna ko na ang pagkain ng soup at binagalan ko. Maaga pa pero mukhang ginising niya na ako dahil sa sakit ng ulo. Habang maaga ay dapat maging maayos ako. Nakakahiya sa mga empleyado kung mukha akong ewan pagpasok.
"Thanks Den! I don't know what to do without you." Ngumiti ako ng malapad kaya napangiwi nalang siya.
"Why drink alcohol if your body can't handle that much? You're giving your family headaches again."
YOU ARE READING
Surrender to You
РазноеCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...