EmergencyBinuksan ko ang masakit kong mata. Paga na siguro iyon sa kaiiyak ko. Nilibot ko ang mata sa paligid at naalalang wala ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ang nahihimbing na si Derrick Knight. My Knight.
Nakatulog na akong umiiyak at suot ko pa rin ang gown. Dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sakin at kumuha ng damit sa closet niya. Isang black long sleeve ang kinuha ko at black short at nag shower na. Bihis na ako nang lumabas ng CR at nadatnan si Derrick na nakahiga pa rin pero gising na siya. Sinuyod ng mata niya ang kabuuan ko at ngumiti.
I also smiled at him. "Good morning." Agad akong nag-iwas ng tingin at pumunta sa harap ng salamin. "I need clothes. Wala akong susuotin papuntang office."
"Magpapabili ako."
Hindi na ako nagulat nang may tinawagan siya para bumili ng damit ko. Siya pa ang nagsabi kung anong style at anong kulay. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. I was startled when I felt his arms on my waist. He's hugging me from behind. "Good morning, beautiful."
Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko. Sa buong buhay ko, siya lang ang lalaking naka ganito sakin. Siya lang ang nag-iisang lalaki na minahal ko. Sa tagal ko sa States, hindi rin ako nakipaglandian sa kahit kanino. Matagal na noong huli akong hawakan ng ganito ni Derrick. Isa pa, iba noon at mas lalong iba na ngayon.
"How's your sleep?" He asked.
I bit my lower lip. Bakit ang sweet niya sa umaga? Nilalanggam na agad ako. "Fine. Yours?"
"The best sleep I had for years."
Tss. Pa bibo!
Umirap ako. "Doon ka na at maligo. Landi mo! Huwag mo akong landiin. Hindi pa ako bibigay." Kumalas na ako at naglakad papunta sa pinto.
Tumawa siya. Gosh! Ang gwapo ng tawa! "Alright. Mamaya nalang, baka mamaya bumigay ka na."
"Ewan ko sayo, Hunter."
"I love you, Standford." Natigilan ako. Mabilis rin akong nakabawi at lumabas na ng pinto. Agad kong hinawakan ang dibdib kong walang humpay sa pagkabog. Grabe, ang lakas pa rin ng epekto ng lalaking iyon sakin.
Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nagluto ako ng adobo, sapat lang para sa aming dalawa. Saktong pagbaba niya ay pagtunog ng doorbell. Sa halip na dumiretso sa kusina ay sa pinto siya nagpunta. Pagbalik niya ay tatlong paper bag na ang dala niya. Agad ko iyong kinuha at nagpaalam na magbibihis na.
"Ihahatid kita." Saad niya matapos naming kumain.
"Paano kung ayoko?" Nagtaas ako ng kilay.
"Ihahatid pa rin kita."
Ngumiwi ako. Tumayo na ako at nauna nang lumabas sa unit niya. Mabilis akong naglakad upang maiwasan siya. Nahihiya talaga ako. Hindi pa ma digest ng utak ko ang biglaang pagbabago sa pagitan namin. Hindi ko talaga alam kung paano kikilos sa harap niya. He loves me, yes, sinabi niya yun sakin pero hindi ko sinabi sa kaniya. Hindi kami. Anong tawag samin kung ganun?
Pasara na ang pinto ng elevator nang pigilan iyon ng kamay ni Derrick. Napairap nalang ako at pumunta sa gilid. "Hey, baby. Why avoid me?" Hindi ako umimik at tumingala lang.
"Seriously? You wouldn't talk to me? I'm your boyfriend, Caroline."
Mabilis ako lumingon at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi lang sakin ang loko. "Who told you that you're my boyfriend? Self-proclaimed?"
"Then what am I?" Nakangisi pa rin siya. Mukhang sinabi niya lang yun para mapansin ko siya at kausapin ko siya. Ako naman ay mabilis nahulog sa kalokohan niya.
YOU ARE READING
Surrender to You
AcakCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...