Chapter 37 - Trouble in Paradise

22.2K 311 18
                                    

I'm back! Sorry po talaga sa super duper late na update. T_T Busy-busyhan kasi ako nitong nakaraang dalawang linggo.

Pero 'di bale, Christmas break na kaya susubukan kong dalasan ang update dahil wala na akong klase. Ang hirap magturo, grabeh! Nakatambak pa ang mga test papers at projects na kailangan kong i-check! @_@

anyhoo, here it is! Enjoy!

==========================================================

CHAPTER 37

KATH'S POV

"O, bes! Sa'n si Daniel? Bakit 'di kayo magkasama?" tanong ni Julia nang makasalubong ko siya papasok ng opisina.

"Nauna na siya sa'king umakyat. May pag-uusapan daw silang importante ni Diego," sagot ko naman.

Katatapos lang naming mag-lunch ni DJ. Kaming dalawa lang ang magkasama kanina dahil humiwalay sina Julia. Pero pagdating namin ng kumpanya, nagmamadali naman siyang umakyat papuntang opisina niya. Pinauna ko na dahil may dinaanan pa ako sa isang department.

"Hmmm..."

"Bakit bes?" tanong ko kay Julia.

"Ah, wala. Parang ang weird lang na hinayaan ka niyang mag-isa. Kulang na nga lang ipagdikit niya yung bituka niyong dalawa para 'di siya mahiwalay sa'yo. Nakakapanibago lang."

"Grabe ka naman. Malay mo naman, importante talaga. Alam mo naman ang dalawang yun," sagot ko na lang.

Pero hindi ko maiwasang mapag-isip. May napapansin kasi akong kakaiba kay DJ nitong mga nakaraang araw. Mula nung nakabalik sila galing Cebu, actually.

Parang lagi na lang siyang may malalim na iniisip. Minsan, parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero hindi naman niya matuloy. Kapag tinatanong ko naman kung may problema, palaging "wala naman" o 'di kaya " you're worring about nothing again" ang sagot niya. Kaya hinahayaan ko na lang. Call it woman's intuition, pero parang may mali talaga.

"Bes?" untag ko kay Julia habang nasa elevator kami.

"Yup?"

"May napapansin ka bang kakaiba kay Diego lately?"

"H-ha? B-bakit mo naman natanong?"

"Wala lang din. Parang ano kasi... Si DJ... Parang may hindi siya sinasabi sa'kin. Baka lang may alam ka tungkol dun? May nabanggit ba si Diego sa'yo?"

"W-wala naman bes. Baka masyado ka lang nag-iisip. Alam mo na. Giving meaning to things that you shouldn't be worried about. Praning ka kasi."

"Bes naman! Kasi palagi na lang siyang lutang these past few days. Baka may problema siya na hindi niya masabi sa'kin."

"Kung meron man, bes, hayaan mo na muna siya. I'm sure sasabihin din naman niya sa'yo sa tamang oras. May tiwala ka naman siguro sa boyfriend mo hindi ba?"

"Oo naman. Tama ka nga siguro. Baka paranoid lang talaga ako. Masyado na kasing maraming nangyari," napabuntong-hininga kong sabi.

"Don't worry to much. You're probably stressing yourself out over nothing," payo niya.

Nang makarating ang elevator sa floor nila ay nagpaalam na rin sa'kin si Julia. Tumuloy naman ako sa opisina ko. I tried my best to put those negative thougths at the back of my mind. Saka ko na proproblemahin yun. Back to work mode muna ako. Marami pa namang naiwang trabaho dahil sa pagkaka-ospital ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay derecho agad ako sa desk at sinumulan ang trabaho. Maya-maya ay narinig akong katok mula sa labas at lumitaw ang ulo ni Dianne mula sa pintuan.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon