Chapter 6 - Julia's Plan

38.6K 564 15
                                    

Dedicated sa kanya dahil maganda siya! Love you! :*

==============================================================================

CHAPTER 6

KATH'S POV

Saturday na. Maaga akong nagising dahil nga may lakad pa kami ni Julia. Challenge yun para sa'kin kasi bukod sa pagod ako sa pagsama kay Mama sa pamimili, hindi rin ako masyadong nakatulog.

Daming nangyari kahapon! Grabeh! Kaya ayun, nag-isip lang ako buong gabi. Medyo ninenerbiyos ng akong pumasok sa Lunes. Nakahalata kaya siya? Haaaaaay.

Aalis na pala sila mama sa Monday din. Nakakalungkot naman. Pero, okay lang. Isang buwan lang naman. Tsaka, they both deserve a break. Masyado na silang busy sa trabaho. Buti na lang at kasama ko rito si yaya.

Naligo na ako at nagbihis. Naka sleeveless knee-length dress ako na pinatungan ko ng blazer. Tinali ko rin ang buhok ko para walang sagabal. Naka flat shoes lang ako kasi paniguradong maglalakad kami ng marami mamaya. Si Julia pa naman kasama ko. At siyempre, hindi mawawala ang dorky glasses ko. Pagkatapos ay agad na rin akong bumaba para mag-agahan.

Naabutan ko sila Mama at Papa sa family room na nanonood ng TV. Maaga talaga silang nagigising at magkasamang nagjo-jogging. Niyayaya nga nila ako, kaso tamad akong gumising ng sobrang aga.

"Good morning po," bati ko sa kanila.

"Morning, anak. May lakad ka?," tanong ni Mama.

"Opo. Labas po kami ni Julia," sagot ko.

"Ah, ganun ba? Sige, mag-ingat kayo ha. Tsaka kumain ka bago ka umalis," paalala niya.

"Opo, ma," aalis na sana ako ng biglang nagsalita si Papa.

"Kayo lang ni Julia, princess? Wala kayong ibang kasama?"

"Huh? Wala naman po, Pa."

"Ay. Akala ko pa naman may date kayo," tukso niya.

"Si Papa talaga. Tigilan niyo nga ako," natatawa ko namang sabi.

"Oo na. Baka magtampo ka pa. Nga pala, bakit hindi mo yayain sila Julia na mag dinner dito? Para naman maibilin ka namin sa kanya. Haha."

"Pa! Gawin ba namang yaya ko si Julia. Hay. Sige po. Dito na kami magdi-dinner."

Nagpunta na ko sa dining at kumain. Maya-maya ay tapos na rin ako. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko at sumakay ng kotse. Dadaanan ko pa si Julia sa bahay nila. Medyo traffic pa naman.

Natagalan ako bago nakarating sa bahay ni bes. Eksaktong pagtapat ko sa gate nila, nakita ko ang mama ni Julia.

"Good morning po, tita," bati ko sa kanya.

"Hello, Kath! Long time, no see. May lakad kayo?"

"Opo tita. Si Julia po?"

"Nasa loob. Puntahan mo na lang sa kuwarto niya. Nakabihis na yata yun. Aalis muna ako."

"Ay, nga po pala. Nag-aaya sila Papa na mag dinner mamaya sa bahay. Aalis na po kasi sila sa Monday."

"Ah, ganun ba? Pa'no ba yan, out of town ako ngayon, eh. Si Julia na lang isama mo. Pakisabi na rin kina mare ma ingat."

"Okay po, tita. Makakarating po."

Nagpaalam na ako sa mommy ni bes at pumasok na ng bahay nila. Umakyat naman ako agad sa kuwarto niya at kumatok.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon