Chapter 21 - His Sister, Her Parents

32.1K 475 15
                                    

Argh! Naiinis ako sa episode ng PIA ngayon! Bakit ba palagi na lang si Gino ang nasasaktan? Palagi na lang siyang kawawa! Napaiyak talaga ako sa tingin niya kanina kina Jao at Mikay.

At yung Jao na 'yan... Bakit ba palagi na lang sumusulpot tuwing magkasama sina Gino at Mikay? Si Gino hindi naman ume-epal sa mga moments nilang dalawa ni Mikay ah! Grrr... Nakakainis talaga!

Sorry, nag-rant na ako. Pasintabi na rin sa mga KathQuen, KathNiel ako eh. Eto ay opinyon ko lang naman po. I have nothing against Enrique, sa character lang niya na si Jao.

Anyways, ang sabi ko ten votes muna for the last chapter bago ako mag-update ulit. Kaya lang, natuwa ako dahil sa dami ng nag-add nito sa Reading List nila at nag-fan. Kaya, super thank you!

Special thanks din kay AmiraKazuki! I so appreciate the support. Thanks, Chezzy! :))

Dedicated pala sa kanya dahil sa minarathon niya ng votes ang 20 chapters! Salamat! :*

==============================================================

CHAPTER 21

KATH'S POV

Naghahanda na ako para pumasok ng opisina ngayon. Dalawang araw din akong um-absent dahil sa paa ko. Paniguradong nakatambak na ang mga trabaho sa desk ko ngayon. Habang nag-aalmusal ako, nakatanggap ako ng text galing kay Daniel.

From: DJ Gwapo

Mommy... Naks! Haha. Papasok ka na ngayon 'di ba? Ingat ka sa pagda-drive ha. Antayin kita sa entrance. I love you. :*

O, 'wag magtaka sa pangalan niya sa phone ko. Siya naglagay niyan. Ang kapal talaga ng mukha. Pero, totoo naman eh. Tingin niyo? Hihihi...

Kita mo 'to. Ang aga-aga, kinikilig ako. Wushuuuu. Nakaugalian niya nang tawagin akong Mommy. Siya naman daw si Daddy. LOL.

Pa'no ba naman kasi, sa tuwing nagpapaalala siya sa'kin, daig pa tatay ko. Kaya tinatawag ko siyang daddy. Malay ko bang may resbak?! Haha. Nag-reply naman ako sa kanya.

To: DJ Gwapo

Che! Ewan ko sa'yo! Bola... Opo, Daddy. LOL. See you later. :)

Simula nang magsimula siyang manligaw, mas lalo pa siyang naging sweet sa'kin. Lalo na nung mga nakaraang araw, dahil sa injury ng paa ko. Nung kinabukasan pagkagaling namin sa orphanage ay nahirapan talaga ako dahil hindi ako masyadong makagalaw. Nasa taas pa nga kasi ang kuwarto ko, kaya struggle para sa'kin ang umakyat-baba. Buti na lang nandiyan palagi si DJ.

FLASHBACK

Nagising ako nang maramdaman kong kumikirot na ang paa ko. Kailangan nang uminom ng gamot. Dahan-dahan akong bumangon at paika-ikang nagpunta ng banyo. Putek, bakit ang sakit pa rin?

Pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush, nagbihis na rin ako. Tapos, bigla kong naalala na kailangan ko pang bumaba para kumain. Huhuhu. Ang hirap.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon