Happy 1K to meeeeee... ^_^
Dedicated sa isa sa mga favorite authors ko rito sa Wattpad. Can't wait for your updates po. Galing mo!
Pasintabi po sa mga maka-Quen jan.. Fanfic lang po ito.. Fiction.. 'Wag kayong magalit sa'kin.. Peace and Love... :)
Enjoy!
=====================================================================
CHAPTER 17
DJ'S POV
Maaga akong nagpunta sa kanila ni Kath para sunduin siya para sa date namin. Naks! Date. Oo naman. First time yata naming magkakasama na wala ang dalawang asungot na itago na lang natin sa pangalang Diego at Julia. Haha. Joke lang. Laki ng utang na loob ko sa dalawang yun, 'kala nyo.
"O, hijo. Aga mo yata? May lakad kayu ni Chandy?" salubong sa'kin ni Manang Rose.
"Ay, opo manang. Ipapasyal ko lang po siya," sagot ko naman.
"Mabuti naman nadadalas na rin ang paglabas ng batang yun. Kesa naman palagi siyang mag-isa rito sa bahay. Teka, at aakyatin ko muna. Sabihin kong nandito ka na," sabi niya at umakyat na.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin si Kath. "DJ! Kanina ka pa?"
"Gumanda naman lalo umaga ko! Good morning! Kararating ko lang."
"Che! Bolero! Kumain ka na ba? Breakfast muna tayo," yaya niya.
"Eh, kumain na 'ko. Ikaw na lang. Hihintayin kita."
"Sigurado ka? Kahit kape na lang. Dali na."
"Hay. Matatanggihan ba kita? Sige na nga," sabi ko at sumunod na sa kanya sa dining room.
Pinapanood ko lang siya habang kumakain. Kahit yata buong araw ko siyang titigan, hindi ako magsasawa.
"Ummm, DJ? May dumi ba 'ko sa mukha? Makatitig ka naman. Hindi ako makakain ng maayos eh."
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...