Dapat kanina ko pa ipo-post 'to.. Sagabal na naman ang brownout.. Keep safe everyone.. May bagyo na naman.. Ingat kayong lahat, especially yung mga taga Visayas...
Dedicated to TrizshaMaeSungahid.. Thanks for the votes!
#HappyKathNielDay everyone! Enjoy!
==================================================
CHAPTER 38
JULIA'S POV
Ano ba itong mga nangyayari?! Hindi ko na keri! Nubanaman kasi itong si Daniel. Bakit niya naisipang magloko?! Grrrrrr.... Nakakapanggalaiti! Gusto ko talaga siyang sabunutan ng bongga!
Kawawa tuloy ang bessie ko. Iniwan ko siya kanina sa bahay nilang umiiyak. Ayaw tumahan eh. Kahit na ano'ng sabihin ko, hindi ko talaga nagawang pagaanin ang loob niya. Naku naman, hindi pwede 'to! Mabubuwag ang KathNiel. A big no, no, no! Huhuhu.
Medyo nagi-guilty nga ako eh. Simula pa lang kasi ng dumating sila mula Cebu ay may natunugan akong kakaiba. Pero pinili kong ipagsawalang-bahala yun. Hindi ko na rin sinabi kay Kath ang kutob ko. Ayan tuloy, nagkakagulo kami ngayon. Haaaay, buhaaaaay.
Pinahinto ko na ang taxi sa harap ng gate namin. Pagkatapos magbayad ay bumaba agad ako. Nabigla naman ako sa naabutan ko. Si Diego, nakaupo sa gutter sa harap ng bahay namin na may dalang kung ano-ano.
Tch! Akala naman niya, papansinin ko siya? Pagkatapos ng ginawa niya? Magdusa siya jan! Nagkunwari akong parang walang nakita at tuloy-tuloy na pumasok ng gate.
"Aray!" sigaw niya. Naiharang kasi niya ang kamay niya bago ko pa man tuluyang maisara ang pinto. Naipit tuloy ang siya.
Hala! Baka nabali ang kamay ng honey ko. Huhu. Sorry, hon. Pero, galit pa rin ako sa'yo. Kainis ka!
"Ano ba kasing ginagawa mo?" singhal ko rin.
"Julia naman. Mag-usap naman tayo, please."
"Ayokong kausapin ka. Umuwi ka na," mataray kong sagot.
"Hon naman. Sorry na talaga. Sorry kung nilihim ko sa'yo. Hinihintay ko lang naman na si Daniel mismo ang magsabi eh. Please, patawarin mo na ako."
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...