Pa-promote po ulit ng One-shot na ginawa ko.. I would mean so much kung babasahin niyo siya ang let me know what you think.. Nasa external link po... Salamat ng marami!
Enjoy!
==================================================
CHAPTER 43
DJ'S POV
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makitang papalapit sa'min si Kath. Ang pinag-aalala ko, baka kung ano na naman ang iniisip niya. Aish! Kabanas naman kasi 'tong si Aria. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya hanggang sa maghaharap na kaming tatlo. Tumigil siya sa mismong harapan ko at pinagtaasan ako ng kilay. Napalunok naman ako.
"Oh, good. You're here," sabi ni Aria bago pa man ako makapag-salita. Pumihit si Kath paharap sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Kath.
"I'm here to see Daniel. Bakit? Bawal ba?"
"Oo," prangkang sagot ni Kath na ikinagulat ko. Nagtataray ba ito?
Isang mapanuyang tawa ang pinakawalan ni Aria. "Oh, please! Sino ka ba sa tingin mo para pagbawalan ako?"
"I'm his girlfriend and you're not. Sapat naman siguro yun. Kailangan na naming umalis. So, if you'll excuse us," mataray na sagot ni Kath at sinenyasan akong umalis na. Nakakadalawang hakbang pa lang kami nang magsalita na naman si Aria.
"You won't be his girlfriend for long. I'll make sure of that."
Bigla namang napahinto si Kath at hinarap ulit si Aria. "Alam mo, matagal na akong nagtitimpi sa'yo babae ka! Kung akala mo, magagawa mo lang akong api-apihin tulad ng dati, nagkakamali ka," mataray na sagot niya.
Si Kath ba talaga 'tong nagsasalita? This is a side of her I never knew existed.
"Watch this," sabi niya at kinuwelyuhan ako. Pagkatapos ay kumindat siya sa'kin bago ako hinila palapit sa kanya.
The next thing I knew, hawak na niya ako sa batok and she was kissing me like there's ni tomorrow. Nabato ako sa kinatatayuan sa sobrang pagkagulat. I acted on instinct and kissed her back.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...