Dedicated kay witcheverwriter, ang favorite kong author ng Be My Everything... Grabeh, excited na 'ko sa Book 3.. Galing nyo po! Idol!
Pasensiya na po kung natagalan ang update. Medyo busy na kasi ang ate nyo sa work. I'll try to post 2 chappies today.. ^_^
===========================================================================
CHAPTER 15
DANIEL’S POV
Pagkagaling ko sa bahay ni Kath ay derecho uwi ako. Nag-park ng kotse sa garahe at pumasok na sa loob. Naabutan ko si Ate Rebecca sa living room habang nanunuod ng TV. Scratch that. Nakabukas lang pala ang TV habang nakatutok siya sa laptop niya.
“O, DJ. Ginabi ka yata?” usisa niya.
“May dinaanan lang, Ate. Akyat na ako,” sagot ko naman. Papanhik na sana ako nang tinawag niya ako ulit.
“Yes?”
“Something’s off with you. I can’t seem to place my finger on it,” sabi niya habang hinihimas ang baba.
“Ano naman? Weird mo,” sabi ko at tinalikuran ulit siya. Hindi pa ako nakaka-unang hakbang ng bigla na naman siyang magsalita.
“Aha! Alam ko na.”
“Aish! Ano ba kasi yun, Ate?”
“You have that stupid grin all over your face. You look… happy.”
“Huh? Big deal. Bakit, hindi na ba pwedeng ngumiti sa bahay na ‘to ngayon?”
“Idiot! Once in a blue moon lang kaya kita nakikitang ganyan ka kasaya. So, ano’ng meron? Is it a girl?” patuloy niyang panunudyo.
“Ewan ko sa’yo! Bahala ka nga jan,” inis kong sabi at tuluyan nang umakyat.
“Naiinis daw, pero nakangiti naman. Parang tanga,” dinig ko pang sabi niya bago ako pumasok sa kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/1738468-288-k256972.jpg)
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...