Waaaah! Lumabas na ang Official MV ng Prinsesa. Click the external link for the video!
Salamat po ng marami sa mga nag-add ng story na 'to sa Reading List nila. Labyu ol!
Dedicated sa bago kong kakilala rito sa Watty! We belong! ^_^
======================================================
CHAPTER 19
JULIA'S POV
Papunta na kaming apat sa orphanage ngayon, kasama rin si Manang Rose at isa pang katulong nila Kath. Si Manong Bert ang nagda-drive ng van. Tiningnan ko ang mga katabi ko. Si Diego ang nasa kanan ko at nakaupo sa may bintana. Nakaakbay siya sa'kin ngayon at nakasandal ako sa balikat niya.
Sa kaliwa ko naman nakaupo si Kath na katabi rin si Daniel. Ang dalawang 'to, ang lakas maka-PBB Teens. Magka-share sila earphones ng iPod ni Daniel. Ewan ko kung bakit dahi ang alam ko, may sarili namang iPod si bes. Haha. Pakialamera!
Nakapatong ang ulo ni bossing sa ulo ni Kath na nakahiga sa balikat niya. Pareho silang tulog ngayon. Medyo may kalayuan din kasi ang orphanage at maaga pa nang umalis kami.
"Hon, sa tingin mo kaya, ano nang meron sa dalawang 'yan?" mahinang tanong ko kay Diego.
"Ang pagkakaalam ko, nanliligaw pa rin si DJ. Sigurado namang magsasabi 'yan kapag sila na," pabulong din niyang sagot.
"Oo nga naman. Pero, napapansin ko nitong mga nakaraang araw, parang ang saya-saya ni bes. Palagi na lang siyang good mood at nakangiti. Unti-unti na ring nababawasan ang pagkamahiyain niya."
"Alam mo, hon, si DJ din. Mukha na ngang tanga kung minsan. Nangingiting mag-isa."
"Sa tingin ko, malapit na talagang bumigay 'tong si bes," sabi ko sabay tawa. Narinig yata ni manang ang sinabi ko dahil napahagikhik din siya. Napalakas siguro ang boses namin kasi nagising si Daniel.
"Shhhhh... Ang ingay mo Julia. Kitang natutulog si Kath," saway niya sabay haplos sa buhok ni bes.
"Uuuuy! Dumadamoves!"

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanficWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...