Wheeeeeeee!!! CHAPTER 2 NA!
Nakapanood ba kayo ng PAI? Aamin na si Gino mamaya! Gosh!
Enjoy!
================================================================================
CHAPTER 2 - 5 years ago...
After three years, akala ko makakalimutan ko na siya. Na mag-iiba na ang reaksyon ko sa presence niya. Hindi pa pala. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin. Ng lalakeng una kong minahal. Ang mahal kong naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Ang taong kailanman hindi nawala sa puso ko. The guy I loved for so long in secret. He's here. And he's my boss.
SI DANIEL JOHN PADILLA.
=== FLASHBACK (5 years ago...) ===
KATH'S POV
Nagmamadali na akong pumasok ng school. May submission kami ngayon ng thesis proposal at deadline na in thirty minutes. Bad trip naman kasing traffic! Nakakainis! Terror pa naman si prof, strict sa deadlines. Hindi na tumatanggap yun pag lagpas kahit one second lang. Tinotoo yata ang "time is gold". Patay ako pag na late akong mag submit.
Nakarating na rin ako sa office. Kukunin ko na sana ang thesis documents ng mapansin kong wala na ang brown envelope na pinaglagyan ko dun. Marami kasi akong dala-dalang folders at books. Oh no! Hindi pwede 'to! Alam kong dala ko yun kanina ng umalis ako sa bahay. Baka naiwan ko lang sa kotse. Kalma lang, Kath. Mahaba pa time.
Nagpasya akong bumalik sa parking lot at hinalughog ang loob ng kotse. Halos paghiwalayin ko na ang mga upuan, pero hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. Binalikan ko lahat ng dinaanan ko kanina mula parking lot.
"Ano ba 'yan, Chandria! Tatanga-tanga ka kasi. Nakuuuu! Patay ka nito. You can kiss your Summa Cum Laude dreams goodbye!"
Ayun, para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang naglalakad sa daan. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang students. Huhuhu. Wala talaga. Ano nang gagawin ko ngayon? Ten minutes to deadline. Huli na para magprint ng bagong copy.
Sa sobrang dissapointed ko, napaupo na lang ako sa isang bench. Pakiramdam ko iniwan ako ng lahat ng lakas ko sa katawan. Sobrang nanghihina ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Maya-maya may narinig akong biglang nagsalita.
"Miss, okay ka lang?," sabi ng lalakeng boses.
"Mukha ba 'kong okay?!," pasigaw kong sagot habang nakayuko pa rin. Agad naman akong nagsisi sa ginawa ko. Wala namang kasalanan ang taong 'to sa kamalasan na nangyayari sa 'kin. "Sorry, I didn't mean to yell at you. I'm just having a really bad day."
I raised my head and smiled at him apologetically. Shocks! Kung 'di lang ako depressed, kikiligin talaga ako. Pa'no ba naman, ang gwapo ng lalakeng nasa harap ko. Moreno, matangos ang ilong, maganda ang mata, at kissable ang lips. Kissable?! Chandria, kilabutan ka nga!
"Okay lang. Eto, o," sagot niya naman sabay abot ng panyo na agad ko namang kinuha. "Ano ba kasing problema?," tanong niya.
"Nawala ko kasi yung thesis ko. Isu-submit pa naman ngayon 'yun. Bababa talaga grades ko pag 'di ako nakapasa."

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...