Dedicated to mistressmao! Nagandahan talaga ako sa comment mo.. Maraming salamat! ^_^
Ayan, sinabay ko ang update sa anniversary ng KathNiel... Happy Reading!
======================================================================
CHAPTER 14
KATH’S POV
“Akala ko ba matalino ka? Hindi mo pa ba makuha? Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang. Wala nang iba.”
Totoo ba talaga 'to? Please naman, kung nananaginip ako, 'wag niyo na 'kong gisingin.
Hanggang ngayon tulala pa rin akong nakatingin lang kay Daniel. Hindi pa rin na-aabsorb ng utak ko ang mga sinasabi niya. Gusto niya ako? Me? Posible ba 'yun?
"Please say something..." kinakabahang pukaw niya sa'kin.
"Ha? Eh, ano kasi..." Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko.
"Eherm. This is my cue. Exit muna ako, bes," paalam ni Julia. Teka, nandito pa pala siya?
"Teka bes!" pigil ko sa kanya. Please, Julia. Huwag mo 'kong iwan dito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Huhuhu.
Kinindatan niya lang ako bago siya umalis. Eeeeeeh. Ano namang ibig sabihin nun?
Hinarap ko na lang ulit si Daniel. Tinitingnan niya pa rin ako ng derecho sa mata. Napalunok naman ako. Uwaaaaa! Ano bang sasabihin ko?
Biglang may naalala ako. Kanina pa siya rito? Ibig sabihin, narinig niya yung usapan namin ni Julia?! Waaaaah! Buking na ako!
"Teka, Daniel. Kanina ka pa ba nandun?"
"Ha? Hindi naman. Kararating ko lang bago ako nagpakita sa inyo."
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...