Dedicated to you! Salamat sa votes... ^_^
Salamat po sa mga nag-add nito sa Reading List nila... Medyo nahuli ako sa pag-uupdate, dapat kasi nung Sunday pa, para taon sa Kathniel day..
Anyhoooo... Happy Reading!
==================================================================
CHAPTER 13
DANIEL’S POV
TGIF! Salamat naman at tapos na ang week na ‘to. Nakakapagod. Ang sarap matulog buong weekend. Naging abala kasi ako nitong mga nakaraang araw sa trabaho. Sa sobrang busy ko, hindi ko pa rin nasisimulan ang plano kong manligaw na kay Kath. Nakakalungkot nga eh.
Hindi ko rin naman siya masyadong nakikita mula nung Lunes maliban na lang ‘pag nagkakasabay kaming apat na mag-lunch. Nang ma approve kasi ang proposal niya para sa bagong website ay sumabak na agad siya at ang buong team niya sa paggawa nun. Kaya ayun, wala na rin siyang time para sa’kin. Naks! Ang kapal ko talaga. LOL.
“Bro, mauna na kami ha. May lakad pa eh,” paalam nila Diego at Julia.
“Sige, bro. Sunod na ‘ko. Check ko lang kung nakauwi na rin si Kath,” sagot ko naman.
“Ay, oo nga. Hindi na rin nag-tetext sa’kin kanina pa. Baka busy na naman,” sabi ni Julia.
“Ako nang bahala sa kanya, Julia,” sabi ko.
“Naks! Dumadamoves! Pagpatuloy mo ‘yan, pre. Malayo mararating mo,” kantiyaw ni Diego.
“’Wag ka nga! Umalis na nga kayong dalawa. Layas!” pagtataboy ko sa kanila. Siyempre biro lang yun. Natatawang umalis naman silang dalawa. Tinawagan ko ang opisina ni Kath. Si Dianne ang nakasagot.
“Si Kath nandiyan pa ba?” tanong ko.
“Ay, sir. Kakaalis lang din po. May dinner po kasi siya ngayon with Mr. Gil”
Naknang! Tuloy pala yun. Grrrr. Nakakabanas naman o. Panira ng mood.
“Sige. Salamat,” sabi ko at binaba na ang telepono. Nababadtrip talaga ako. Makauwi na nga lang. Itutulog ko na lang ‘to. Aish! Bagal mo kasi, DJ. Naunahan ka tuloy.
Sakto namang paglabas ko ng opisina, may nakasalubong akong lalong nagpaasim ng mukha ko.
“Hey, sweetie!”
Sweetie daw? Kelan pa? Nakakairita talaga ang babaeng ‘to.
Pero dahil pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko, kailangan kausapin ko siya ng maayos. Anak din kasi siya ng isa sa mga major stockholders ng kumpanya. Dapat maganda ang pakikitungo ko sa kanya.
“Aria. What are you doing here?” walang gana kong sabi.

BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...