Chapter 11 - Sleepover

39.3K 510 10
                                    

Hirap pala magsulat ng love story kung wala kang lovelife... LOL... ^_^


Salamat po sa mga nag-add nito sa reading list nila... Enjoy this update!

=====================================================================

CHAPTER 11

KATH'S POV

Nagising ako dahil sa isang napakabangong amoy. Hmmm... Amoy pa lang, mukhang masarap na. Mechado yata. My favorite.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at bumangon na. Ha? Pa'nong nangyari na nasa kwarto na ako? Huling tanda ko, nasa kotse pa ako pauwi rito. Ewan. Mamaya ko na poproblemahin yun.

Nag-inat ako at hinanap ang glasses ko. Hindi ko naman nakita. Kanina ko pa pala hindi suot yun. Nasa opisina pa kami.

Wait. Kasama ko nga pala silang umuwi. Hala! I'm such a bad host. Tulugan ba naman ang mga bisita.

Dali-dali akong nagshower at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako agad.

Nadatnan ko sila ni Julia at Diego sa sala. Magkatabi silang nakaupo at magka-holding hands pa. Hindi nga nila ako napansin at patuloy lang sa pagtititigan. Ansabeh? I smell something fishy.

"Eherm. Nakakaistorbo ba 'ko?" bigla kong tanong.

Napatalon naman silang dalawa. Biglang kinuha naman ni Julia ang kamay niya na hawak ni Diego at nilapitan ako.

"B-b-bes! Kanina ka pa jan?" tanong niya.

"Kung tinatanong mo kung kanina ko pa kayo pinapanood, oo. Mukhang nahihiya nga sa inyo mga langgam namin dito sa bahay."

"B-b-bes naman," sabi ni Julia habang namumula.

"May gusto ka bang sabihin sa'kin, Bes?" taas-kilay kong tanong.

"Aaah... Eeeeh... Kasi bes, ano, k-"

"Hey, guys! What did I miss?" bigla namang sulpot ni Daniel mula kung saan. Nagulat naman ako nang makita ang ayos niya. Well, naka-apron lang naman po si Mr. Daniel John Padilla.

"Daniel?! What are you wearing?" mangha kong tanong.

"Tsk. Malabo talaga mata mo 'pag wala kang salamin noh. Hindi ka na ba nakakakilala ng apron?" sagot naman niya.

"Pilosopo! Ang ibig kong sabihin bakit ka nakaganyan?"

"Malamang, nagluto ako. Alangan namang pang-swimming ko 'to."

Aba't nakakadalawa na 'to ah!

"Che! Ewan ko sa'yo! Wala kang kuwentang kausap."

"Highblood ka naman agad. Chill," sabi naman niya sabay kindat. Eeeeeee. Ang cuuuuute. Landi mo, Chandria!

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon