Chapter 46 - Yours

25.9K 358 18
  • Dedicated kay All the loyal readers
                                    

Naka 25K na pala, hindi ko namalayan! Maraming, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!

Huhu. Nahirapan talaga ako sa chapter na 'to. Ilang beses kong inulit-ulit, to the point na parang ayoko nang ituloy. Kaya, patawad po kung sablay.

P.S. Pasintabi sa mga MINORS. READ AT YOUR OWN RISK. This chapter is not for the closed-minded (meron ba nun?). :))

Enjoy!

============================================

CHAPTER 46

DJ'S POV

"Saan mo gustong kumain, babe?" tanong ko kay Kath habang nakasakay kami sa kotse ko. Ngayon lang kami ulit makakapag-solo since nagkaproblema ang kumpanya. Higit isang linggo din kaming madalang kung magkita. Kaya good mood na naman ako ngayon. Nakaka-miss kasi talaga siya, sobra. Lakas ng tama ko eh. Hahahaha.

Saglit pa siyang nag-isip bago sumagot. "Uhmmm... May pagkain ka ba sa condo mo? Pagluto kita?"

"Ha? Bakit? Ano'ng meron?" namanghang tanong ko. First time kasi siyang mag-offer na magluto para sa'kin. Madalas, ako ang nagre-request. May nakalimutan kaya akong special occassion? Hindu naman namin monthsary ngayon.

"Ito naman. Kailangan bang may okasyon? Eh, sa gusto kitang ipagluto. Para maiba lang. Ayaw mo yata. Sige, 'wag na lang," sabi niya at pinag-krus ang mga braso sa dibdib.

"Nagtampo naman agad ang baby! Wala akong sinabing ayaw ko ha! Nagulat lang po. Sige, sa condo na tayo," sagot ko na ikinangiti naman niya.

Buti na lang naisipan kong magpa-grocery sa housekeeper ko. Nadadalas kasi ako sa condo ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko masyadong nagugustuhan ang mood sa bahay. Nade-depress ako lalo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami. Dumerecho agad si Kath sa kusina para maghanap ng pwedeng lutuin. Ako naman ay nagpalit ng damit. Pagkatapos ay binalikan ko siya.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon