Para sa bago kong sissy! Hehe.. Nag-request kasi siya eh... Thanks beh! :*
Title pa lang, alam na! ^_^
Pasensiya na po kung natagalan ang update.. Salamat sa paghihintay!
Enjoy!
====================================================
CHAPTER 48
DJ'S POV
"Mom, ano'ng sabi ng doktor? Bakit hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon?" nag-aalalang tanong ko.
Dinala namin si Kath sa infirmary ng kumpanya nila. Mabuti na lang at naka-duty ang resident doctor kaya napatingnan namin siya agad. Hindi na naman ako mapakali. Napapadalas yata ang pagkakahimatay ni Kath. Ayaw kong isiping may malubha siyang sakit kaya siya nagkakaganito.
Lord, 'wag naman po sana...
"They're still running some tests, anak. Limited lang din naman kasi ang mga gamit dito. 'Wag kang mag-alala, magigising din siya when she's ready," sagot ni mommy.
Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Dad sa balikat ko. Tumango na lang ako at sinubukang kumalma.
"Kahapon pa kasi masama ang pakiramdam niya. Naninibago siguro sa klima rito. Kaya, don't worry hijo. I'm sure she's gonna be okay," dagdag naman ng mama ni Kath.
Lima kami ngayong nag-aabang na magising siya. Ako at ang mga magulang ko, at sina tito at tita. Sosorpresahin sana namin siya sa merger na magaganap, pero eto pa ang nangyari. Haaaaay.
Maya-maya ay umungot na si Kath at bahagyang gumalaw. Agad akong lumapit sa tabi ng kamang hinihigaan niya. Nagpakawala ako ng buntong-hininga nang dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya.
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. "D-DJ..."
"Okay ka lang? May masakit sa'yo?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya at nagtangkang bumangon. Pipigilan ko sana pero agad nakalapit ang papa niya at tinulungan siyang makaupo.
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...