Chapter 12 - The Bet

36.6K 537 11
                                    

Dedicated sa kanya, dahil sa maganda niyang comment. Thank you so much sa'yo! :)

Here's the update, kahit hindi umabot ng 5 votes..Enjoy!

==========================================================================

CHAPTER 12

DANIEL’S POV

Lunes na naman at papasok na ako ng opisina ngayon. Medyo maaga akong dumating dahil marami pa kaming kailangang gawin ni Kath para sa presentation mamayang hapon.

Speaking of her, hindi na kami nagkausap pa mula nung umuwi kami nung Sabado. Balita ko kay Diego, magkasama raw sila ni Julia kahapon kaya hindi rin sila nagkita. Nung iwan siya namin noong Sabado, mukhang maayos na naman ang kalagayan niya.

Binati ako ng guard at iba pang mga empleyado nang papasok ako ng building. Sumakay na ako ng elevator at sasara na sana ang pinto nun nang may biglang sumigaw mula sa labas.

“Wait!”

Iniharang ko ang kamay ko sa pinto kaya muli itong bumukas. Nagulat ako ng makita kong humahangos na pumasok si Kath. Hindi pa yata niya ako napapansin.

“Salamat,” sabi niya.

“Good morning,” bati ko naman. Inangat naman niya ang ulo niya at mukhang nagulat ng makita ako.

“D-d-daniel?! Ikaw pala yan. Good morning din.”

“Nagmamadali ka yata?”

“Ah, oo. May mga kailangan pang tapusin, eh. Medyo kinakabahan na nga ako.”

“We’ll do fine. Don’t worry,” sabi ko sabay ngiti.

“Sana nga,” sabi niya at ngumiti rin. May napansin naman ako bigla.

“May iba yata sa’yo ngayon,” puna ko sa kanya.

“Ha? Ano naman?”

“Hmm. Ayun! Wala ka nang glasses?”

“Haha. Yun lang pala. Akala ko naman kung ano na. ‘Di ba nga, nabasag yun nung Friday?”

“Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. So contact lenses suot mo ngayon?”

“Yup. Wala akong choice. Kesa naman bulag ako,” natatawang sabi niya. “Hindi pa nga ako nasasanay, eh. Dadaan na lang ako mamaya sa optometrist ko para magpagawa ng glasses ulit.”

“Wag na. Mas bagay sa’yong walang salamin. Lalo kang gumaganda.”

Takte! Sinabi ko ba talaga yun? Ano ba, Daniel?

Tumawa naman si Kath, pero namumula rin. Kinikilig? Assuming mo!

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon