Chapter 34 - Threats

27.4K 369 12
                                    

Super sorry po talaga sa late update! Na BV kasi ako sa mga nangyayari sa PAI.. Kinailangan kong panuorin ang 24/7 in Love ng limang beses para bumalik ang kilig sa buhay ko.. Hahaha.. Ang baliw ni author!

Anyways, salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at sa mga new readers na rin.

Dedicated ito sa author ng bago kong favorite FanFic! Galing niyo po! Can't wait for the next update ng Strangers in Love!


Hope I don't dissapoint with this update! Enjoy!

==============================================

CHAPTER 34

KATH’S POV

“O babe, mag-ingat ka pauwi ha. Sorry talaga, hindi kita mahahatid ngayon. Biglaan kasing nagpatawag ng meeting eh,” sabi ni DJ habang magkasabay kaming naglalakad papuntang parking lot. Ihahatid niya lang ako sa kotse ko tapos babalik din siya agad ng opisina.

“Okay lang, babe. Kaya ko namang umuwing mag-isa. Kaya, chill ka lang ‘kay? Don’t worry about me,” sagot ko.

Sa wakas ay narating na rin namin ang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng driver’s seat at pinasok ang mga gamit ko sa likod.

“Daan na lang ako mamaya sa inyo after my meeting, okay?”

“Sige. Dun ka na rin mag-dinner. Hinahanap ka na nila mama eh. Medyo matagal na rin nung huli ka nilang nakita.”

“Okay,” sabi niya at hinalikan ako sa noo. “Ingat ka ha. Pakakasalan pa kita.”

“Haha. Opo. Bye. Good luck sa meeting,” sabi ko at sumakay na. Nag-wave pa ako sa kanya bago pinatakbo ang sasakyan paalis. While on the road, nakatanggap ako ng tawag galing kay mama.

MAMA CALLING…

PHONE CONVO

Me: Hello Ma!

Mama: ‘Nak! I’m sorry sa distorbo. Nasa opisina ka pa ba?

Me: Okay lang po ma. Pauwi na rin naman ako.

Mama: Ayun, tamang-tama. Anak, can I ask a favor?

Me: Sure ma. Ano po ‘yun?

Mama: Nagkaproblema kasi sa isang site natin. Yung nasa Taguig. I really need someone to look into it ASAP. Pwede bang paki-tingnan doon? I would do it personally, but your dad and I are stuck in a very important meeting. Si Quen nasa site din natin sa Visayas. Please, anak?

Me: Sige po, ma. Ako na po ang bahala dun.

Mama: Salamat hija. I’ll give the supervisor a call and tell them that you’re on your way ha.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon