Chapter 24 - Is it a yes?

27.7K 432 15
                                    

First of all, I would like to thank my sponsors.... Chos!

Seryoso na po...

Unang-una, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nag-add nito sa reading list nila. Sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa. And feedback is highly recommended. :)

Pangalawa, thank you sa lahat ng mga nagvo-vote, nagko-comment, at nag-fan.. Sobrang nakakataba ng puso! Kinikilig ako sa mga comments niyo.

Pangatlo, thank you din sa mga nagpo-post sa message board ko. Gustong-gusto kong nakakakuha ng feedback mula sa inyo. Special mention kay itsmenikkaa. Salamat talaga!

Lastly, this chapter is dedicated to drmione044. Maraming-maraming salamat sa votes at comments mo! :*

Yun lang po. Sana hindi kayo ma-dissapoint sa update na ito. Again, I thank you! BOW!

Happy Reading...

=======================================================

CHAPTER 24

KATH’S POV

Pakanta-kanta ako habang nagsusuklay ng buhok. Katatapos ko lang maligo at naghahanda na ako para matulog. Napangiti ako ng maalala ang kalokohan ko kanina. Narinig kaya ni DJ ‘yun? Ano na kayang nangyari sa kanya? Hanggang ngayon, hindi pa rin nagpaparamdam eh.

Ewan ko nga rin kung bakit ko naisipang gawin ‘yun kanina. Aamin na sana ako sa party pa lang, kaso naunahan ako ng hiya. Bigla yata akong sinapian. Pa’no kung hindi pala niya narinig ‘yun? Aaaay! Bahala na.

Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko. “Bukas ‘yan.” Nakakunot-noong pumasok si mama.

“Chandy, kotse ba ni Daniel yung nasa baba?”

“Ha? Imposible ma. Kanina pa kaya nakauwi ‘yun pagkatapos niya akong ihatid,” sagot ko.

“Sigurado ka?”

“O-opo,” nag-aalangan kong sagot. Pero, imposible naman talaga ‘di ba? Halos mag-iisang oras na kaya nung ihatid niya ako. Bakit naman siya maghihintay sa labas ng ganun katagal?

“Sige. Baka nga sa kapit-bahay at kapareho lang talaga. Matulog ka na. Good night,” paalam ni mama at hinalikan ako sa pisngi.

“Good night ma.”

Hindi pa rin ako mapakali. Si DJ ba talaga ‘yun? Nagpasiya na akong silipin mula sa terrace ng kuwarto ko. Kita ang kalsada mula rito. Hindi naman ako lumabas. Hinawi ko lang ang kurtina at tinanaw ang kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin.

Kay DJ nga! Teka, ano pang ginagawa niya rito?

DJ’S POV

Nakatayo pa rin ako sa labas ng gate nila Kath pagkatapos niyang makapasok. Tulala. Hawak ang pisngi kong hinalikan niya. At paulit-ulit sa utak ko ang inaakala kong narinig na sinabi niya kanina.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon