Chapter 35 - Safe

27.7K 352 11
                                    

Dedicated to you! Maraming salamat sa mga votes! :))

Eto na po ang update, para sa mga nag-aabang!

BABALA: Ang chapter na ito ay puno ng kakornihan. Pero, sana magustuhan niyo pa rin.

Enjoy..!

==================================================

CHAPTER 35

KATH'S POV

Nagising ang diwa ko sa naramdamang mga brasong nakapulupot sa akin. Nakaramdam bigla ako ng takot at nag-panic ako. Oh my God, sino ito? Magpupumiglas na sana ako at susubukang makawala when I realized that the person's scent was familiar. Pabangong kilalang-kilala ko. Daniel. I relaxed instantly.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako biglang nag-panic attack. Siguro ay dala pa rin ng trauma sa naranasan ko. I slowly opened my eyes and absorbed my surroundings. Lutang pa rin ang pakiramdam ko. Tama, nasa ospital nga pala kami.

 

Magkaharap kami ni DJ ngayon. Wala akong makita kundi ang dibdib niya kung saan nakasubsob ang mukha ko. Ang higpit ng yakap niya sa'kin. Hindi na halos ako makahinga. Ingat akong gumalaw para 'wag siyang magising. Bahagya naman lumuwag ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa bewang ko. Inilayo ko ng konti ang mukha ko para matingnan siya.

Mukhang ang lalim ng tulog niya at parang pagod na pagod. Gaano na ba siya katagal nagbabantay dito? Ano'ng oras na kaya? Itinaas ko ang kamay ko at hinawi ang buhok sa noo niya. I gently touched his cheek. There were dark circles und his eyes. Kawawa naman.

 

"I'm sorry, baby. Lagi na lang kitang inaabala," bulong ko habang patuloy sa paghaplos ng buhok niya. I gave him a soft kiss on the lips. Bigla naman siyang gumalaw at umungot. Then his eyelids fluttered open. Nang makita niyang gising na rin ako, ngumiti siya.

"Hi," sabi niya sa mahinang boses.

Ngumiti rin ako. "Hi yourself."

"Kamusta pakiramdam mo?"

"I feel better."

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon