Chapter 41 - Hangover

26.4K 312 17
                                    

Thanks po sa lahat ng lumalabas para mag-comment sa mga previous chapters...

ComVo? ^_^

Enjoy!

=================================================

CHAPTER 41

KATH'S POV

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mga mukha ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Pero parang may sariling isip yata ang mga dingding at biglang umikot ang paligid. I immediately shut my eyes.

Putek, ang sakit ng ulo ko! Napangiwi ako habang nakapikit pa rin. It felt like a thousand needles were priciking my skull. Ano bang nangyari? Ba't wala akong maalala?

Then in fragments, unti-unting nagbalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nagpunta ako sa isang bar kasama ni Julia. Uminom ako. Did I get drunk? Hala! Pa'no ako nakauwi? Lagot ako kina mama nito.

Naalarmang idinilat ko ulit ang mga mata ko. Mas lalo lang akong kinabahan sa nakita. Napabalikwas ako ng bangon. This isn't my room. This isn't my room! Oh my God!

Then I noticed the clothes I'm wearing. Damit panlalake. Waaaah! Ba't ganito ang suot ko?! I shrieked in panic. Naiiyak na ako. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng mawala lang ng basta-basta ang pinaka-iningatan ko. Nooooooooo!

 

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto. My mouth fell open nang makilala kung sino ang humahangos na pumasok.

"DJ?!" bulalas ko. Gulo-gulo ang buhok niya at nakapambahay lang. Mukhang kakagising lang din. Patakbo siyang lumapit sa akin.

"Ano'ng nangyari? Ba't ka sumigaw? May masakit ba sa'yo? Ano? Sumagot ka naman, Kath!" sunod-sunod na tanong niya.

Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa mukha niya. I realized how much I missed him. This wasn't his best look. Parang ilang araw na siyang walang tulog dahil sa laki ng eyebags niya. Well, malaki kesa usual. Ang haggard niyang tingnan, promise.

"Kath?" pukaw niya sa'kin nang manatili akong walang imik. Natauhan ako bigla. Oo nga pala, marami akong tanong.

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon