Kahit hindi pa umaabot ng ten votes ang previous chapter as I requested, I decided to update kasi maraming nag-add nito sa reading list nila at nagvo-vote sa ibang chapters... So thank you talaga!
Pero for the next chapter, 15 votes/comments na... Pwede ba 'yun? Thanks! :)
The next chapter will be dedicated sa may pinakamagandang comment! :*
Dedicated sa'yo! Salamat sa pagma-marathon ng mga votes!
=======================================================
CHAPTER 22
KATH'S POV
"Chandy, tapos ka na ba? Nandito na si DJ," tawag ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Tonight is the company's acquaintance party. Gaganapin yun sa isang hotel at lahat ng empleyado ng kumpanya ay inaasahang dadalo.
Patapos na akong mag-ayos ngayon. Syempre pa, sinundo ako ng nag-iisa kong maliligaw. Bilib din naman ako sa tiyaga nito. Halos dalawang buwan na rin mula nang magpaalam siya kina mama, at ni minsan ay hindi pa siya pumapalya.
"Sandali na lang po mama," pasigaw ko namang sagot. Nagmadali na ako dahil ayaw ko namang paghintayin ng matagal si DJ. Pumasok si mama ng kwarto ko.
"Wow! You're so pretty anak," puri niya pagkakita sa'kin. Naka simpleng champagne-colored tube dress ako ngayon. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok na bahagyang naka-kulot ang dulo. Relo, hikaw at necklace lang ang accessories ko, para simple pa rin.
"Thanks, ma. Mana ako sa'yo syempre," sagot ko naman. Tinulungan ako ni mama na tapusin ang make up ko. Pagkatapos ay nagsuot na ako ng sapatos at bumaba. Nakita kong naghihintay na si DJ sa paanan ng hagdan na may dalang boquet. Ang sweet talaga niya kahit kelan!
"Hello! Earth to Daniel John Padilla?" sabi ko habang winawagayway ang kamay sa harap ng mukha niya. Kanina pa kasi ako nakatayo rito, nanatili lang naman siyang nakatingin sa'kin.
Kumurap-kurap naman siya na parang natatauhan na. "Eherm. Para sa'yo, Kath," sabi niya sabay abot ng mga bulaklak.
"Natulala yata sa'yo, 'nak!" natatawang sabi naman ni mama. Siya lang ang kasama ko sa bahay ngayon. Gagabihin kasi si papa. Nag meeting kasama ang mga kasosyo niya sa negosyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/1738468-288-k256972.jpg)
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...