Bonus Chapter - How Do I Love Thee?

26.5K 363 29
                                    

Habang hinihintay ang Epilogue, ito na po muna... Wala lang... Gusto ko lang isulat.. Hehehe..

P.S. Pakibasa naman ng author's note ko sa baba.. May announcement doon.. Thanks!

Enjoy!

=====================================

BONUS CHAPTER

"Good morning, beautiful," pamungad na bati ni DJ sa'kin pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ko.

"Hmmmmm... Good morning..." tinatamad na sagot ko at mas lalo pang isiniksik ang katawan ko sa kanya. Ang sarap palang magising na katabi mo ang mahal mo.

Op, teka! Bago pa kayo ma-eskandalo ay sasabihin ko na. Wala kaming ginagawang masama! Hahahaha.

Magkatabi lang talaga kaming natulog. Lagi naman naming ginagawa iyon eh. Ngayon lang talaga kami nagising nang magkasama. Di ba nga umalis ako pagkatapos nung ano... Basta, alam niyo na yun! Level up na rin.

Tsaka, hello? Buntis po ako. Bawal kaya yun. I think.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "Dad, mapipisa naman si baby."

O, 'di ba! Level-up na rin ang tawagan namin. Nalilito na kasi ako minsan kapag 'babe' pa rin ang tawag niya sa'kin. Hindi ko na alam kung ako pa ba o yung anak namin ang kausap niya.

"Hindi 'yan. Maingat naman ako eh," sagot naman niya. Binaon niya ang mukha sa buhok ko. "Mom, ba't ang bango-bango mo pa rin? Naligo ka ba habang natutulog ako?"

"Asus! Binola na naman ako. Aga-aga pa eh!" sabi ko habang nagpipigil ng kilig. Ito talaga 'pag inatake ng kasweetan, walang pigil eh.

"Seryoso. Bango mo talaga. Gusto kitang amuyin buong araw," sagot niya. Ilang saglit pa ay nasa leeg ko na ang mukha niya at nagtagal na naman doon. Nakikiliti tuloy ako.

"Dad... Bangon ka na... Nagugutom na kami..."

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon