Chapter 7 - Meet the... Gulp! Parents?!

40.2K 663 32
                                    

Eto na po ang next Chapter! Enjoy!

===============================================================================

CHAPTER 7

DANIEL’S POV

Nag-ayaya kami ni Diego sa Yakimix. Gutom, eh. Pumayag naman ang mga girls. Kaya heto kami, eat-all-you-can. Nakakatatlong balik na nga kami nitong si Diego. Hindi naman nagpatalo sila Julia at Kath. Nakaka-two rounds na rin. Ang takaw pala nga dalawang ‘to. Pero parang hindi naman tumataba.

Speaking of Kath, nagulat talaga akong makita siya rito. Loko ‘tong si Diego. Hindi man lang nagsabi. Pero parang planado nila ‘to ni Julia. I should have known. Kanina pa kasi tanong ng tanong si Diego tungkol kay Kath.

FLASHBACK

“Par, anong tingin mo sa bago nating department head?” biglang tanong ni Diego habang nagda-drive ako.

“Si Kath? Okay naman siya. Kaya lang, masyadong tahimik.”

“Napansin ko rin. Tsaka palaging utal ‘pag ikaw ang kausap. Tinamaan yata sa’yo pre!” sabi niya sabay tawa.

“’Lul!”

“Pero, seryoso pre. Maganda naman siya ‘di ba? Kung ‘di lang dun sa glasses niya. Tingin mo?”

“Maganda siya. Even with the glasses,” sagot ko naman. Hindi ako sinungaling.

“Yun na! ‘Di ligawan mo na.”

“Langya! Naman, pre. Parang sinabi ko lang na maganda. Hindi naman ibig sabihing type ko kaagad.”

“Hindi nga ba?,” pang-aasar pa niya.

“Ewan ko sa’yo. Nakakabanas ka.”

END OF FLASHBACK

The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon