Dedicated to KathNielLover! Salamat ng marami!!!
=========================================================
CHAPTER 39
JULIA'S POV
"Bes, hanggang kailan mo ba balak dedmahin si Daniel?" tanong ko kay Kath habang magkasama kaming naghahapunan. Syempre, hindi kami magkasama ni Diego, dahil si Daniel naman ang mag-iisa pag nagkaganun. Haaay, ang gulo lang.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga pero hindi nagsalita.
"Hindi ba patuloy pa rin pagsundo-hatid sa'yo ang driver niya?" tanong ko ulit.
"Ah, oo. Tumanggi na nga ako eh. Kaya lang sabi ni manong, tatanggalan daw siya ng trabaho ni DJ 'pag hindi ako sumama. Kawawa naman yung tao. Siraulo yang si Daniel eh. Pero mabuti na rin yun, nang di magtaka sila mama. Hindi pa ako handang magpaliwanag," sagot niya sabay buntong-hininga na naman.
Tigas naman kasi ng ulo nitong babaeng 'to. Taas ng pride. Ayaw talagang kausapin si DJ. Siya rin naman ang nahihirapan. Haaaaay.
"Pero, hindi pa rin ba kayo nagkikita simula nung ano...? Mag-iisang linggo na rin ah."
Umiling siya. "Bukod sa mga bulaklak na araw-araw na pinapadala sa bahay, hindi naman siya nagpaparamdam. Kahit sa opisina wala. Pinagbigyan niya talaga ang hiling kong 'wag munang magpapakita sa'kin," malungkot na sabi niya. Napansin ko ring namamasa na ang mga mata niya. Kita mo na!
"Nami-miss mo na 'no?"
Nagdalawang-isip pa siya bago sumagot. Pero sa huli, isang tango ang naging tugon niya.
"Mahal mo pa ba?" tanong ko ulit. Oo na, ako na ang makulit.
"H-hindi naman ganun kadaling mawala yun."
"Eh bakit ayaw mong kausapin?"
"Bes naman! Kahit na aminado akong mahal ko pa rin siya, hindi naman ganun kadaling kalimutan ang ginawa niya. Ang sakit kaya nun. Kailangan ko muna ng space."
BINABASA MO ANG
The Boss and the Wallflower (A Kathniel FanFic)
FanfictionWallflower n. - Usually refer to people who are shy and fade in the background , that none really knows or pays any attention to. Si Kathryn. Mahiyain, tahimik, pero matalino at mapagmahal. Minsan na siyang umibig. Pero patago. Nawalan na siya ng pa...